hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
leche
bakit hindi naglaro si wade nung game 6? tsk! naka-chamba tuloy! hehehehe pero sheeeettt!!! sana sa game 7 maglaro na siya.
napapagod pa rin ako sa natanggap kong sermon kahapon. argh! malay ko bang yun yung gagamitin namin. iniwan kasi sa sta. cruz yung isang sasakyan. pero kasalanan ko talaga yun. hindi ako naglilinis, hinayaan ko lang bumagsak yung sticker (kasi nde naman naka-stick) at hindi ko kinabit ulit, pinapasakyan ko ng marami kaya bumaba na naman yung shock..in short, wala daw ako pagmamahal sa koche. at ka-leche-han pa na sinakay sa kin yung mga putakteng libro na nawala rin sa isip ko na nasa likod pala. kaya nung pauwi na kami at maglalagay na ng mga pinamili sa likod..tadadadadan! parang doomsday na. bat daw ako nagkakarga ng mga yon, bat nde ko daw binaba, bat ko daw hinahayaan na pasakyan ng mga ganon ng mga kaklase ko. waahh!!! pag minamalas talaga.
ayoko pa pumasok bukas... na stress pa rin ako.Monday, June 06, 2005 at 4:04 PM