<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

katkat ang chanda strikes again

Sa eee101 na class kanina...

Magkatabi kami ni katkat sa may bandang dulo, yung malapit sa aircon at sa table na kung saan naglelecture si doc R. Nasa 2nd row kami pero wala namang tao sa tapat namin. Boring talaga tong 101 na to kasi ba naman, nakaupo lang yung lecturer. Pero eto naman ay dahil kailangan niyang i-record yung buong lecture para sa mga..hmm, basta nirerecord...

Eh syempre, kami ni katkat, ginagawa lahat para mapigilan antok. Nung una, nagsulat ako sa papel, tapos kinalabit ko siya, pinabasa ko yung sinulat ko.

"kamuka ni sir si josiah"

tawa siya ng konti. tapos sulat rin.

"mas payat nga lang."

sang-ayon naman ako, tawa rin ng konti. hanggang sa hindi na kami nakuntento sa pagsulat. nagkwentuhan na rin kami. marami na kaming napagkwnetuhan nun. sigurado rin naman ako na nagkwekwentuhan rin yung mga classmate namin. may natutulog pa nga sa may likod. hanggang sa naging ganito na kwentuhan namin...

chanda: shet, amoy katsudon pa rin yung pantalon ko. yak!
katkat: yak!
chanda: punta muna tayong cs bago tayo mag 107.
katkat: sige. pero natatakam ako sa katsudon!
chanda: ako rin! bili kaya tayo ulit?
katkat: sigi!! (yung muka niya excited na excited) hati tayo?
chanda: hati?!


nang biglang sumabat si doc R.

doc R: excuse me, umm, ms 1990 crimson girl (eto kasi yung print sa t-shirt ni katkat)

aba syempre napahinto kami sa pagpapantasya namin sa katsudon!

doc R: you have something important to say?
katkat: (natigalgal) wala po sir
doc R: really? then what are you discussing there
?

at napatahimik na talaga ang class. nagising na ang mga natutulog. alam ko na kung anong nangyayari. naisip ko nun, sana sabihin ni katkat, pinag-uusapan namin yung parts ng circuit na kelangan bilhin.

katkat: ahh, pinag-uusapan po namin yung exam.. sa 107.

nakagat ko labi ko dito. gagawa na nga lang ng kasinungalingan, yung mali pa! 101 class yun eh. kaya naman..

doc R: 107? so you think this is a 107 class? (sobrang sarcastic nito)
katkat: no sir, 101 po.
doc R: how many of you have 107? (tingin sa class)


aba pakshet, may mga 107 yung iba dun pero hindi nagtaas.

doc R: so only 1? ah no, 2. only the 2 of you. (marami pang blah-blah nde ko na maalala) hmm, maybe you should research on proper etiquette in class.

patay na. gets ko, ipapagreport na kami. kasi nabalitaan ko na yung mga late pinagrereport. tintingnan ko rin kung paano pigilan nina meiling yung tawa nila. ako rin natatawa. shet! magrereport ng proper etiquette! gantihan talaga. akala ko dati yung reporting about dun sa mga machines. eh magiging gmrc teacher pala kami eh.

doc R: i always ask some of my students to do this. You will report for 5 minutes. Hmm, both of you. What are your names?
katkat: ahhh, rosario po.
chanda: espineda.
(ayan lang nasabi ko sa buong engkwentro).

bago pa matapos ay humirit pa ng parang ganito si doc R.

doc R: sa monday, dapat magawa niyo na tong circuit na to. madali lang naman eh. But if you'll keep on talking about 107, wala kayong magagawa.

siyanga! magkagrupo pa mandin kami ni katkat dito. panagalawang beses na namin to ni katkat. una kay doc M. Parts pa lang ng osciloscope yun, nagdadaldalan na naman kami. Nang bigla niya kaming tawagin para ituro kung nasan yung trigger level. Syempre, shock na naman kami, at hindi talaga namin alam kung asan dun yung trigger level! SO basta nagturo ako, nagturo rin siya. Magkaiba tinuro naming dalawa!

at pagkalabas namin ng classroom, walang humpay ng tawa yung mga classmates namin na kakilala. nakakatawa naman talaga eh. kung nakita niyo lang si doc R. parang hindi siya naasar, basta ang casual, pang-asar talaga. parang ang tanda-tanda na namin. hehehe. pero nung inisip ko, pangatlong beses na akong napupuna ng prof dahil sa kadaldalan ko. Sa kas1, pinalipat pa ako sa harapan ng prof! ahahaha, parang bata. Sa chem16 lec rin, nahiritan ako na "do you want to discuss here infront?" pero iba kasi tong sa eee101. bukod sa parang ang tatanda na namin, magrereport pa ako!

hayy, pano ko kaya irereport yun? kung sa mga GE nga nde ako nagrereport halos, biglang sa ganito pa. -_-


------------------
ngayon ko lang napost kasi nagloko yung internet kagabi. eh antok na antok na ako (ibig sabihin nde na naman ako nag-aral ng 43)
Tuesday, July 05, 2005 at 7:42 AM

Anonymous Anonymous said...

madali lang style sa pakikipagdaldalan na hindi nahuhuli ng prof. dapat nga lang, matuto kang magsalita na hindi gumagalaw bunganga. hehe. pwede rin naka-smile ka kunwari para mas pagood shot sa teacher. effective din yan sa pagtatanong ng mga sagot sa tests... 3:53 PM  

Blogger chanda said...

eh yung ginawa namin niyan, alalang alala ko pa yung mga ngiti at tawa namin... sablay talaga 11:46 PM  

Blogger kilcher said...

ay naku nadali ka pala nito? nadali kami nito dati eh. yung blockmate ko kasi may pinapaabot na test paper (or nakalimutan ko na kung bakit kami biglang nag-usap nun pero basta related sa test). parang related nga din ata sa 107 yun noon.

tas nahuli niya kami tas pinaringgan yung blockmate ko haha. sabi ba naman di daw papasa dahil daldal kami ng daldal para sa 107. ayun nung exam 99 ata yung score ng blockmate ko.

madali lang ang exam kay docR. maghanap ka ng past exams. for sure yun na yun, as in, pati sagot yun na yun.

btw, parang every sem ata niya ginagawa yang nirerecord niya ang sarili niya. sa min din ginawa niya yun eh. hmmm...weird... 6:22 PM  
  Post a Comment »
 

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.