hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
S-T-R-E-S-S
Hayy...sobrang pagod at stress ang nararamdaman ko ngayon. Parang pumapasok ako hindi para mag-aral. Pumapasok ako para sa ERG.
Simula Sunday pa namin ginagawa ni Edu yung para sa exhibit ng Giz Mo 'to na para bukas at sa friday. Isa siyang malaking parang pader na inspired ng Fantastic Four ads na nasa SM. ang nagawa namin, mga 3m yung haba tas lagapas 2 meters yung taas. So malaki talaga siya at may kaartehan pa sa paggawa namen. Mula sa mga styro at balikbayan boxes ay natayo namin.
Sunday, dahil hapon na kami nagsimula, yung base lang halos nagawa namen. Kami lang tatlo yun nina Geof at Edu. Monday, hindi ako lumabas dahil baka kung mapano daw ako sabi ng aking nanay so sila lang gumawa. Tuesday, natapos na namin yung buong katawan. Buti na lang medyo may tumulong na rin..hmm, actually si Baste lang ata yung matinong tumulong. Tapos nung gabi pa, aba'y bigla na lang akong naiwan! Eh ayos pa man din yung lokasyon ng EEE. Sa sobrang windang ata ng mga ta nakalimutan nilang kasabay nila ako. Langya yan.. Buti na lang laging may nandiyan para sa kin :) (yes, napapangiti na yun..hehehe)
At kanina, umaga pa lang sinumulan ko na ang pagbalot dun. Maghapon akong gumawa.. 15 minutes lang kasi yung lab namin. Buti na lang... Sa maghapon, ang nkain ko lang eh dalawang hamburger tsaka isang casava cake. Ewan, pag na stress talaga ako nde ako makakain ng matindi. Naiirita rin ako kasi kami lang halos gumawa. Buti sana kung busy lahat at alam mong may part sa mga events. Eh wala eh! meron lang talaga sigurong walang pagmamahal sa org. Bad trip. Mga alas diyes na rin kami nakaalis sa Engg kanina.
Hayy..pagod talaga. Nangangalay mga binti ko at masakit paa ko dahil sinubukan ko na namang magsapatos kahapon at ngayon. Amoy pawis at glue pa ako.. at marami pa kong gagawin mamaya at bukas. Kelangan ko pa pumunta sa engg ng mga 7. Good luck sa akin.. grabe. Sana maging ok naman bukas. Stress talaga..
Matatapos rin to...malamang...Wednesday, July 27, 2005 at 11:29 PM