hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
ang kapatid ko. *bow*
Naisipan kong gawa ng entry ang isa sa mga kapatid ko pagkatapos niya akong buhusan ng alcohol sa likod.
Oo, may pagka abnormal talaga siya. As in nakaupo ang ako dito sa tapat ng PC, tapos siya ewan kung anong pinaggagawa niya habang nagrereview nang bigla akong nakaramdam ng malamig sa likod ko. Takte, alcohol! Mapapailing ka na lang, pero kung maiisip mo na isang napakalaking tao ang gumawa nun sa yo matatawa ka.
Siya yung sumunod sa akin. Syempre nung bata kami, mas malaki ako sa kanya. Pero ngayon, goodluck na lang kung nagkataong mas malaki pa ako sa kanya no. 6 footer siya na malaki rin ang katawan. Maraming hindi nag-aakalang 17 pa lang siya. Pwede mo na siyang mapagkamalang may anak lalo na kung matagal natripan na naman niyang magpahaba ng balbas. Hindi na rin siya kumportable na gumamit kotse kasi kailangan pa daw niyang yumuko para sa side miorros. Nursing ang course niya ngayon, at hindi mo gugustuhing kasinglaki ng mga kamay niya magiinjection sa yo.
Pero ang nakakatawa dito, sa kabila ng kalakihan niya,eh sobrang batang isip pa rin. Napakaraming kasablayan. Gaya na nga ng bigla na lang pagbuhos ng alcohol sa likod ko. Sabay tawa yon na pang-asar ah. Hindi ko rin makakalimutan yung nasa kotse kami (nung bakasyon lang to ah), ako nagdra-drive, nanay ko sa harap, tapos siya sa likod kasi may pigsa siya. Bigla na lang siya nag-demand na nagugutom siya! Ay susme! Parang kinder na umaatungal sa likod na gusto niyang mag mcdo, ang sarap batukan. At sa lahat din ng kainan, hindi magpapahuli ito. Bata pa lang kami kapansin-pansin na kagulangan. Bibilisan niya pagkain niya tapos bigla na lang siya manghihingi sa amin. Ogag talaga. Tapos naalala ko pa nun, ang order niya sa Jollibee, 2 pcs chicken, 1 extra rice tapos yung dessert niya, jolly hotdog! Kung di ka ba naman talaga maging jumbo niyan.
Marami itong sablay na tanong. Mga tanong na hindi pinag-iisipan kaya nakakairita na. Mga bagay na alam na niya, gusto niya lang paulit sa yo. At ang hindi ko makakalimutang tanong niya, "Ate, ano ba si spongebob? Cheese o foam?" Bwahahaha! Walang humpay na tawa kami ng pangatlo kong kapatid. Ang ungas! Fave kasi ng gf niya at that time si spongebob kaya nagtatanong. Eh la namang ibang alam panoorin yun kundi nba.
Pero isa ring nakakatawa dito ay ang kanyang kagustuhang magpapayat. Isang gabi na nanonood kami, natyempuhan namin yung sports unlimited. Eh di parang showcase ng mga magagandang katawan. Shet, nagulat na lang ako biglang nag-sit-ups! as in sobrang gabi na yun ah! Sabi niya "kapag nakakkita ako ng ganyang katawan, naeengganyo ulit akong magpapayat," sabay pisil sa mga taba taba niya. Ahahahaha! Ilang beses na nga rin siyang nagsubok mag gym, pero walang nangyayari kasi lagi siyang may inuman session. At nung lunes ata yun, medyo gabi na ako nakauwi, naabutan ko siyang nanood ng tv sa sala. Binida niya kagad na finale na yun ng The Biggest Loser. At oo, bigla na naman siyang nag-sit-ups! At ngayon, nakakalat na naman ang mga dumbells niya. Wala na lang nakikialam sa kanya.
Basta, matinding topak. Ang laki tapos ang batang isip. Pero kami lang ata nakakaalam na sobra pa ang pagka bonjing netong taong to.Wednesday, July 20, 2005 at 10:41 PM