hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
eee44
Argh! namumuro na sa akin tong 44 ah. Pinuyat ako kagabi tapos biglang pwede pa pala hanggang mamayang 12 midnight! Anong kaungasan yon? Delingkwente akong estudyante pero alam ko pa rin na ang deadline ay deadline. Handa akong mabawasan kapag tinamad akong magpasa bago ang deadline. Pero ano na itong sa 44? Feeling ata ng iba naming classmates para kaming high school students, na tipong pag mas maraming hindi nagpasa mamomove yung deadline. Look, hindi ako nagmamagaling dito pero naiinis lang talaga ako. Leche. Pwede pa daw baguhin pero ayoko na. Nakakatamad na.
Sana sa susunod panindigan na ni sir yung deadline. Sana rin may sipag pa ako nun para makapag-pass on time.Wednesday, July 20, 2005 at 10:30 PM