hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
pananaw ko tungkol sa...
Pinoy Big Brother
Hindi ko parati napapanood pero alam ko ang takbo ng mga pangyayari at kilala ko ang mga tauhan. Nasisiyahan akong panoorin sila kahit na sobrang babaw lang ng mga issue at hindi ko alam kung bakit affected sila ng husto sa bawat nangyayari. Eh jusko, after 3 months tapos na lahat! I mean, buti sana kung bestfriend mo yung nagalit sa yo at magngangangawa ka jan kasi sayang yung pinagsamahan niyo. Pero nakakabastos rin naman yung mga tipong "She's the cheapest boldstar." hahahahaha!
Si Uma, syempre siya pinaka-pogi dun kaya siguro hindi niya tinatantiya yung mga kasama niya. Hindi ko alam kung anong trip niya pagdating kay Cass. Plinaplastik at nilalandi niya. Sabay! Ay goodluck. Ang gagang Cass pa tinuturing na bestfriend tong si Uma. Sayang nga lang at hindi naipapakita sa tv yung mga maaalab na parts. hehehe. Sabay si Cass pa puro underwear lang ata ang laman ng maleta. Pambahay niya underwear, pang-exercise niya, underwear rin. Hindi ko alam kung sa bahay talaga nila naka-underwear siya araw-araw. Sa Say at JB. Ewan, siguro sila yung mga taong tipong hindi sanay na walang kalandian. Si JB, feeling gwapo lang. Feeling. Si Say, halatang pa-conya talaga magsalita. Lalo na kapag nasa confession room at kausap si Willy tuwing weekend. Pero kapag kausap naman niya yung nasa loob ng bahay normal naman. Hinihintay ko na lang talagang bumigay ang dalawang to. Shet! Ipalabas niyo na sa cable ang big brother.
Si Bob, sayang gwapo pa mandin pero insecure siya kay uma. Kung mas malakas sana dating niya, siya magdodominate dun. Eh hanggang kay Nene at Raquel lang karisma niya eh.
Si Nene, feeling ko tibo. Hindi lesbian. Peor basta, halata naman na hiyang siya sa kilos lalaki.
Si raquel, pang-asar talaga. Ang babaw. Puchak, siya na nga yung ipapapayat siya pa magrereklamo. Basta ang babaw niya. Iyak pa ng iyak. At ang sarap niya sapakin tuwing weekend kasi pa-cute kay willie. "I Love you po!" Takte yan!
Si franzen, wala. Hindi ko alam kug bakit siya gustong paalisin ng mga housemates niya. Nahihirapan siyang makisama pero natural yun. Pero basta, ayoko pa rin siyang maalis dun.
Si jason ang bading. period.
Nung unang elimination, wala akong gustong maalis dun sa tatlo. Si Franzen, kasi ok naman siya at kailangan niya talagang panalo. alam ko rin na hindi talaga siya matatanggal dun kasi ang mga Pilipino, likas na mahahabagin. Kahit hindi nila kaano-ano si Franzen, hindi sila magdadalawang-isip na magtext para sa kanya. Sa Raquel, nakakinis talaga siya nung una. Pero yung week na bago mag elimination, naging mabait siya at nagustuhan na rin siya ng mga housemates. Well, dahil siya siguro taga-hugas, taga-linis, etc. Si Rico, feeling ko meron pa siyang magagawang issue sa loob ng bahay ng PBB. May itsura, may boses sa loob ng bahay kaya hindi ko inisip na siya matatanggal. Pero ok lang, sikat na sikat na naman ngayon si rico.
Nung time na yun, gusto ko talagang si Jenny na lang matanggal. Pano kasi, wala namang issue sa kanya. Kung baga, "pamparami ka lang" award ang pwedeng ibigay sa kanya. Kaya naman napataas yung kilay ko nung nabalitaan ko na aalis na nga siya kasi may sakit daw tatay niya. Wala lang, ang nasa isip ko eh binayaran na lang si Jenny para lumabas na. Kasi nga, wala talagang magagawang issue sa kanya! Ang boring kaya yun, gianawan siya ng istorya kahit papano bago umexit. Ano naman kaya ang karter ng bagong ipapasok. At sa susunod na elimintaion, malamang nag siguro matanggal na si Raquel. Mas marami sigurong susuporta kay JB dahil na rin sa ka-mushy-han nila ni Say.
At sana, gawan na rin nila ng issue si Chx. Hindi rin pala siya maganda gaya ng akala niya. Ahahaha. ang harsh. Sabi pa ng kapatid ko, para siang katulong na nagme-make-up. Dagdag pa ng isa kong kapatid, mas maganda pa yung dating katulong ng kapitbahay namin. Ang sanamn, hindi naman kami galit kay chx pero yun, ayaw ko na sa kanya sa loob.
____________________ alam ko marami rin sa inyong nanood ng pbb. Shet, eto ginawa ko sa halip na magsearch tungkol sa loran-c. Sunday, September 18, 2005 at 4:04 PM