hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
panggabi na ako
Grabe, ngayong hapon lang ako halos nakatulog. Pagkatapos kasi naming magdamag gawin yung MP 1 namin sa 44 eh di pa rin ako nakatulog nung pag-uwi ko. Kakaiba nga eh, nanghihina na ako pero mababaw lang yung tulog ko. Buti na lang nung hapon naging tuloy-tuloy na. Ang masama nga lang dun, hindi ako naka-attend sa interview ng CEL. arh. patay ako. pero wala na talaga akong lakas lumabas kanina.
Ngayon sana may lakas na ako, pero tapos na reporting. hehehehe.
Ako, si katkat at si paul p. ang group D sa 44. Actually, mas madali nga ata yung sa amin compared s aibang group. Bale kasi sa amin, papabilisin lang ng papabilisin yung motor sa pamamagitan ng pagcontrol ng field resistance. Eh sa ibang group, may papalit-palit pa ng direction ng ikot. Yung iba parang washing machine, may timer pa. Kami, delay lang naman. Ayun, swertihan lang talaga. Swerte pero inabot kami ng 5:30 ng umaga sa YIA. Mas maliwanag pala pag gabi dun sa hallway ng YIA. Heheheh. Pero creepy pa rin talaga. Kailangan mo magtiis ng ihi dahil kahit may sasama sa yo, hindi mo pa rin maatim na mag-cr. Nang maayos namin yung PLC, nagdesisyon kaming kumain muna bago i-wire yung motor. Gusto na naming matapos talaga para hindi na bumalik sa umaga at mahihirapan na rin dahil kulang sa equipments. kaya mga alas singko nang katukin namin si Sir Ivan at sabihing magpapacheck na kami.
Nakakabangag magpuyat pero mas nakakabangag kapag naiimbyerna ka. Shit, super inis ko na sa dahilang hindi ko maaring isulat dito. Ay grabe, kung pede lang magsisigaw, pero tiniis na lang namen dahil kailangan. Ang daming ka-epalang nagyari at buti nakapagpigil rin ako.
Pano ba naman kasi ang ano talaga ni ano. To the nth level. Ang kupal. Oo, plinaplastik ko na siya. Pero kinakausap ko na lang siya kapag academic thing yung topic. Pero sa mga hirit, deadma to the max. Nakakainis kasi eh. Puro kaungasan pinagsasabi eh.Nahigop ata niya ang bagyong katrina. Buti sana kung ano. Basta basta. dadating araw, babarahin ko na yun sa harap ng maraming tao para malaman ng lahat na mali pinagsasabi niya.
At nagyong gabi, magdamag na naman ata akong gising dahil sa mga dapat nang tapusin. Mas masarap naman talaga gumawa sa gabi. Kung meron lang mga panggabing class, mas masaya ang buhay, bihira pa ako malelate.Wednesday, September 14, 2005 at 8:26 PM