gusto ko ng:
* bagong
glasses. gusto ko ng yellow or red. wala lang, ang boring na netong glasses ko eh. pero gusto ko rin bumili na ulit ng contacts, para sa mga panahong nde ko feel na may nakapatong sa ilong ko.
* laptop. sa tingin ko kailngan ko na ng sariling computer. naiimbyerna na ako sa mga kahati ko dito sa pc dahil minsan na lang matatagpuan kong wala na naman kaming disc space dahil sa isang 7 gig game. hindi rin solusyon na ayusin ko yung isang pc kasi malayong doon sila maglaro dahil nde naman ganon ka-ok yung specs nun. kaya gusto ko ng laptop. magagawa ko mga gusto kong gawing kahit saan man ako pumunta. ahahahaha! katupad-tupad tong wish kong ito ah.
*
dsl connection. haay, tapos may laptop pa ako noh? ang saya saya siguro ng buhay non. pero kahit laptop na lang (asa), kasi dadalhin ko na lang yung laptop sa eee para mag dl ng kahit anong gusto ko. wifi... heben!!!
*
phone na maliit. ewan, parang nangangalay na ako sa telepono ko. gusto ko ng maliit ng telepono na ok rin yung specs. pag binenta ko yung telepono ko ngayon, mga 5k na lang yun. ano rin mabibili ko sa 5k? titigan ko na lang yung limang libo at abangan kung makakataggap ng text yon noh?
*
mag line na ulet. weh! hassle bumili ng load, hassle mawalan at mas hassle kung wala kang pambili at the moment at kailangan mong magtext. pero dahil wala na nga akong pambili ng load, malamang wala rin ako pampakabit ng line.
* koche na may
unlimited gas! waahhh! para sa mga ganitong panahon na gusto ko na lang umalis at magpakalayo-layo.
*
matulog ng mahabang-mahaba. yung walang pupuna sa akin at walang tatawag para mag-paalala ng mga dapat na gawin.
*
kumain ng creampuff, frosty, cheeze it, crispy patatas, ice monster, hotshots, bacon mushroom melt, turon, yung cupcakes sa nismed, cellos na kahit ano, caramel frappe, fishball, cheese sticks!, isaw, ay jusko.. ang hirap ng walang pagkaen ngayon dito, ang dami kong naiisip na kainin.
*
maglaho muna ng isang linggo at mag-isip-isip. napansin kong masyadong mabilis uminit ulo ko netong mga nakaraan. simpleng pag-uusap lang tumataas na kagad boses ko.
* magpagupit/magparelax/magakulot. basta gusto kong
maiba buhok ko.
*matapos na yung
marketing congress kasi pandagdag lang sa prinoproblema ko.
*
matapos na ang sem na ito.
* matapos na ang sem na ito na
wala akong bagsak. (mas makatotohanang hiling yung nauna)
* matapos na ang
UAAP season 68 dahil wala nang ginagawang matino ang UP . *bow*
----------
kakahirit nga rin pala ng kapatid ko...
"ate, bat nde ka nanonood? UP vs FEU ah!"
at hindi ako nakasagot, siya mismo tumawa sa hirit niya! puchak yan.
Sunday, August 28, 2005 at 2:34 PM