hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
Sa friendster
You can now identify the people who viewed your profile.
Aliw diba? As in hindi na na lang tipong "66 people viewed your profile since blah-blah." As in nakikuta mo yung 66 na nag view.
Medyo nde na ako nagbubukas ng fster pero nung nalaman ko to eh bigla ulit akong nagbukas. Tas nakita ko yung mga nag view. Ang aliw kaya kasi sila rin tiningnan nung mga nakaraan. Iniisip ko nga kung ano yung mga nag udyok sa amin na i-view yung page ng isa't isa. Well, yung iba kasi bigla ko na lang nakita ulit, or biglang naka-ym. Yung iba, hindi ko rin alam kung bakit.
Pero ang panget lang dito, hindi nagwarn yung fster admin! Eh shet, ang dami ko kayang "fi-nish-an" na page nung nakaraang linggo. As in makikita nila na "o, sino tong chanda na nagview sa akin." O di kaya, "grabe, vi-nu-view pa pala ako ni chanda" Shucks. Nakakahiya kaya. Sana nagsabi sila ma tipong "warning, in next month makikita na kung sino-sino nagview so wag kayo open nang open ng pages lalo na kung secret niyo lang na pinagpapantasyahan niyo yung tao."
Ahahahaha. Ang babaw ng post na ito. Pero sigurado ako, hindi niyo mapipigilang i-check ang bagong feature na to ng fster. Friday, September 30, 2005 at 10:40 AM