hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
halo halo
So lab ko ngayon.. 8:30 dapat nagsimula. Nag-set naman ako ng alarm pero yun, ewan kung sinong pumalya, kung yung telepono na mag-aalarm o yung tengang makakarinig sa alarm. Shet, 1st day pa mandin. Bahala na. Hehehe..
Magbabayad pa lang ako mamaya. Goodness, ngayon lang ako magbabayad ng last day. Tsk tsk.. buhay talaga.
Tapos kanina, nagbabasa ako ng PDI. At naisip kong matagal na rin akong hindi nagbasa dahil marami rin akong ginawa nung weekend. Nalaman kong:
*andito pala si Constantine (Am Idol), at si Mig Ayesa (Rock Star INXS) *mayroon palang nililitis na rape case against american soldiers sa subic *highest standing pala sa pba ngayon ang ever-so-peyborit kong purefoods *nba updates
itong mga bagay na to ang hindi namin napag-uusapan ng mga kasama ko araw-araw. 'apathetic' nga daw sabi ni meiling. Pero may nalaman akong astig para sa mga madalas nagreresearch online. Um, lahat naman talaga sa net na naghahanap. SIno na lang ba gumagamit ng library card? Si geof? Hehehe.. Pero yun, eto nga:
*scholar.google.com <--para makapunta tayo dun sa mismong mga publicatons and journals at hindi sa kung ano-anong mga sites na may inaadvertise lang. *sabi nung author, ok daw yung may mg access sa UP library kasi pwede daw dun ma-dl talaga yung mga journals. pero hindi niya nasabi at kahit ako, hindi ko alam kung pano to. Ni hindi ko nga alam kung anong site ng UP library. *print.google.com <--a hybrid of a search engine and an online library. basta lalabas yung list ng books tapos depende kung copyrighted yung books saka mo lang maa-access. *www.gutenberg.org <--books rin
kung alam niyo na to, sorry ah. parati ako naggu-google pero nde ko to alam.
at nakatanggap na pala ako ng tawag galing sa tutorial center. yey! kanina lang, at mamaya na kagad ang 1st assignment ko. um, mejo malayo nga lang. sa st. charbel sa mindanao ave. o well, at least meron, sana regular na ako dun.
so meron na talaga akong eksaktong pupuntahan mamaya. kasi kahapon, puro "bahala na" yung sagot ko sa mga taong nagtanong kung sasama ako sa mga kung ano-anong activity. May maglalaro ng volleyball, may magjojog, at may manlilibre sa mang jimmys. Tapos 18 pa rin pala ngayon.. :)
at may issue nga pala sa akin. ahahahaha. takte yan. kahiya-hiya. alam ko na rin kung pano nangyari yun. mukang may space na ako para sa chismax thread. sana lang rin makwento ko na to sa dapat kong pagkwentuhan. at malamang magtatanong na siya sa akin pag nabasa niya to. s yun..hehehe.Friday, November 18, 2005 at 9:19 AM