hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
masayang ngalay
Grabe, matindi ang pinagdaanan ngayon ng mga paa ko.
Unang una, eh pinagsapatos ko siya. Sayang rin naman kasi yung rubber shoes, hindi nasusuot. So yun, nakabalot siya buong araw na kung saan: 1. naglakad ako mula vinsons hanggang physics (pav 4 lang naman, nde don sa bagong building) 2. naglakad ako papunta sa eee 3. nag-'yosi' kami ni meiling dun sa may footlongan. syempre lakad papunta at pabalik. ps. hindi talaga kami nagyosi. yan lang ang sinabi namin sa mga nagtanong kung anong ginagawa namin dun. ang totoo eh nagkikiam kami, at siya ay nagkwek-kwek pa. tapos nagpa-load din ako sa tapat ng fc. 4. at dahil hindi ko natanggap ang load ko, imbes na mag-ikot kami ni Reggy ay naglakad na lang kami para rin daanan ulit yun sa FC. Wala na nga akong load, lakad pa rin hanggang sc. 5.naglibot-libot kami sa g4
So naimagine niyo na kung gano katorture sa isang paang halos hindi nagsasapatos buong linggo na dumanas ng ganito.
Wala naman ako pinagsisihan sa mga nilakad ko. Masayang-masaya (oo, todo talaga, para sa mga mambabara diyan) nga ako eh. Kasi kumain ulit kami sa Mexicali, alam ko sa glorieta 2 'to. Eh nung medyo nagugutom ako sa tambayan nung tanghali, sabi ko, gusto ko ng tacos, nachos at buritos!. kaya natuwa talaga ako nung doon kami kakain. Tapos kasi, dun kami unang kumain... La lang. Yun ulit inorder namin at narealize kong hindi ko talga kayang ubusin yung malaking burrito.
Hindi ganyan yung burritos dun, grilled chicken din kasi yung inorder namin so nde talaga ganyan ichura non. wala lang ako makitang pic ng burrito from mexicali.
Tapos tawa kami ng tawa kasi ang ha-harsh na ng mga comments namin tungkol sa dati. Basta basta. Ang bigat din sa tiyan ng kinain namin pero masarap kasi talaga. Tapos naglakad-lakad na rin kami dahil titingin siya ng sapatos na bibilhin sa saturday. Ako naghahanap ng bag na bibilihin sa pasko (or kung kelan magkapera. ahahaha). At bago umuwi ay sakto pang nadaanan namin ang gonuts donuts. At kahit busog pa kami, hindi namin napigilang umorder ng:
para sa kanya
para naman sa akin ps ulit. wala sa site nila yung pic ng mga pampaskong donut pero parang ganito na rin yun, hehehe
Hehehehe, likas lang talaga na magana kami kumain. Ang saya ng mga pampaskong donut nila. At natatakam na ulit ako ngayon. Cellos naman? hahahaha
Basta yun, nakakangalay pero masaya talaga.
Ang pinasisihan ko lang eh ang pagsuot ng sapatos sa araw na to.Monday, November 14, 2005 at 9:01 PM