hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
hedeyk
Nagtutor ako ng 3 oras kanina, kaya hindi rin ako naka-attend ng EOEA (congrats pala ERG! :) congrats pransis!). Nagturo ako ng basic geom na walang book. At nakalimutan ko yung tawag sa triangle na walang equal side! Takte yan.
Tapos pag-bukas ko ng mail, lalong sumakit ulo ko. Hindi ko mareply-an yung Eazix (dad ni tina). Bukod sa English (haha) eh wala pa akong alam sa tinatanong niya. Well, naiintindihan ko naman. Ayaw niya ng overlap topics so nagtatanong siya kung ano ba daw yung magtatalk na companies. Kasi pwede siya design and development tsaka sa manufacturing rin. Eh ano ba yung ginagawa sa intel, canon at astec? Ahahahaha. Ungas ko talaga. Pero hindi ko talaga alam pramis. Ngayon, nag-iisip ako kung tatanungin ko yung bawat company kung tungkol saan sasabihin nila o sasabihin ko na lang sa eazix yung mga kasali. Ang sakit sa ulo pag-isipan.
After ko tawagan Bit Micro bukas, tama na. Baka madami pang pumayag, wala nang oras. "Too many speakers, so little time." Ahahahaha. Joke lang, baka mausog.
Dami pang aasikasuhin, Feb 1 na bukas.
Ay, kakabasa ko lang ng text ni francis na natalo ERG ng cursor dahil sa deductions. At least diba? Alam natin na sa puso natin tayo pa rin ang EOEA. Tuesday, January 31, 2006 at 10:52 PM