hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
samu't sari
Sa kadahilanang wala akong magawa at hindi ako makatulog (sa hindi ko rin malamang dahilan)... (actually nagsasagot ako ng survey kanina tas ang papangit na ng mga tanong sa dulo kaya tinantanan ko na)
** sobrang wala palang kwenta yung mga books natin nung elementary. Tipong may ilang paragraph na wala namanag sense, paulit-ulit lang. At kahit ako, kaya kong gumawa ng mga libro na yun. Halimbawa, sasabihin lang na naimpluwensyahan tayo ng mga Amerikano sa pananamit, aba eh isang page na kagad ng libro ang kelangan basahin na puro naman kaungasan. Wala lang, hindi ba yung binubusisi ng DepEd. Kaya lalong tatamarin yung mga estudyante bumasa eh.
** marunong na ulit ako ng mga tinig ng pandiwa, aspekto ng pandiwa, POKUS ng pandiwa, uri ng pangalip, etc. At hanggang ngayon sasabihin kong ungas pa rin ako pagdating sa ganon.
** mahirap palang gastusin yung perang galing talaga sa pinaghirapan mo (pero nagastos ko na rin). Hehehehe. Pero kunwari, bibili ka ng sapatos, kung ipapabili mo lang sa nanay mo, ang pipiliin mo eh yung mas maganda (syempre mas mahal). Pero nung ako, dala ko na yung sarili kong pera, shit! Tipong, ilang araw ko tong pinagpaguran ibibili ko lang niyan. Magtsitsinelas na lang talaga ako araw-araw. Ahahahaha! Sobra pala talaga yung love ng parents noh? I mean sila yung nagtratrabaho tas papabili ka lang ng bagong sapatos kasi may gasgas na yung luma mo. Pag nagtrabaho kayo, promise marerealize niyo yun.
** sobrang mahal na talaga ng gas. yung 300 na pinagas ko sa may ever nung wed ng gabi, wala na rin kagabi. at hindi na ako kumakaskas non ah. tsk.
** kagabi, habang nagtututor ako sa st charbel, dumating yung tito nila. Eh nagcocomputer yung lalaki tapos biglang, "Francis, sasakit mata mo diyan." Akala ko dahil baka akala non matagal na siyang nagcocomputer. "Gusto mo LCD monitor. Ipakuha mo sa Fil-Am yung isang LCD ha" sheeett.. LCD?! Eh 19" na kaya yung monitor nila at flat screen halos. tapos yung bata, wala lang sa kanya. As in wala lang. "sige po." parang pag ako yun, may titong biglang dadating at magbibigay ng LCD monitor, eh magsisigaw ako sa tuwa.
** takteee.. ngayon pala yung lab report namin!!! at pano pa kami makakapasa ngayon diba? haaayy.. goodluck talaga. next week (sana) na lang.
** too many christmas parties, hindi ko na alam kung ano-anong date nila. shetness. masyado akong busy this week. Hindi halos ako nakareply sa iba. Buddies, andito na ba si joy? Kelan na ba tayo magkikita-kita? Chickababes, sa bahay ni lillian? Sino ka exchange gift ko? Kelan ba ulit? checheck ko na lang sa phone ko. Friday, December 16, 2005 at 10:01 AM