hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
weng'g week
Wooooohhhh.
Kakaibang eng'g week. Likas pa naman pagka competetive ko. Lalo na pag alam kong pinaghirapan. Tsk.
Yung smokers, konting hirap lang yon. Kaya masaya nung nanalo.
Yung christmas tree, tangina buong maghapon ako dun naghirap pero sobrang walang kwenta-pangit-basura-parang hindi pinaghirapang krismas tree ang lumabas. Bad trip ako nun sa sarili ko kasi may mga hindi ako nakitang mga bagay na mangyayari. Kagaya ng kakulangan ng katulong, kahirapan nung nakikita kong design, pangit pala pag konti lang yung leaves. Hay leche, hindi lang talaga ako sanay na gumawa ng mga ganon kapanget na art work. Mas sanay pa akong bumagsak sa exam.
And then the other night events. wohooo! ang saya saya! Salamat sa mga pumuri sa erg pagpasok ko. Late ako pero pakiramdam ko winner na ang erg. But then, no. Di bale, sa puso namin danzergs.. talo niyo sila.
DEP, Minsan dumadating talaga yung mga ganito. Mga hindi inaasahan. Yung sasabihin mo, "shit! ano ba naman to! kamalasan! tangina!" Yun feeling mo hindi mo worth yung binigay sa yo. Natural na magtatanong ka, sasabihin mo hindi fair. You know you deserve something more. At ito nga yung nangyayari sa ain ngayon. Pero wala na, patapos na. Hanggan dito na nga lang yung chapter na ito. Pero hindi dahil dun hihinto na tayo. Bakit hindi natin isipin kung bakit nangyari sa atin ang ganito. Ito na yung tamang panahon para i-asses natin yung sarili natin as part ng org. Panahon na rin para alamin natin kung anong problema ng org. Panahon na rin para mangolekta ng mas maraming "puso" para sa erg. Marami nang myembro, puso ang kelangan. Lahat tayo nalulungkot. Pero sa lungkot na rin yan malalaman mo kung gaano yung hirap mo sa mga events. Kung mas malungkot, mas panalo ka para sa ERG. :) Kaya natin to, makakabangon rin tayo. Siguro sa engg week na ito, hindi ang mga talents natin ang susubukan. Esprit de Corps. sorry military term. hehehehe.Thursday, December 15, 2005 at 8:28 AM