hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
carbonara day
Niluluto ko na yung pasta kanina para sa carbonara.
"Ma, lalagyan ko pa ba ng papel?" "ay! anu bayun!" "Ay Ma, lalagyan ko pa ba ng ano..ng.. ng asin!"
TAKTE. PAPEL ANG NASA UTAK KO.
Hay..
FOPC. Ang pang-stress sa sambayanan.
Anyway,kaya nagluto ako ng carbonara eh dahil kakaiba ang araw na ito. Usually kasi nagdidinner kami,pero ngayon syempre di pwede. Nagtext siya kanina na mag dinner na lang kami ng family ko. Para naman daw kahit papano special pa rin today.Naks! Pero, goodluck. Pagod din kasi ako at malamang late na ako makakaalis ng tambayan. Eh maaga pa naman nagdidinner pamilya ko, gegerahin ako nun pag nagutom. Alas singko pa nga lang tinext naako ng nanay ko na magsaing na ako kung nasa bahay na ako. Sorry,pero wala pa ako at wala pa akong balak umuwi nun. hahahaha.
Buti pag daan ko ng alas-otso sa rustans eh bukas pa. At kahit bangag na ako eh naalala ko pa mga ingredients. Siya rin kasi nagturo sa akin magluto nun eh. Ayun.. saya. Kakain na ako. Hehehe. Galing ko na ring magluto! hindi na makalat..Hindi ko na ring kelangan hiwain muna lahat bago magstart. Feeling ko mas astig yung eh. Napapanood ko sa "30 minute meals with Rachel Ray" sa lifestyle network. Dapat may 'packets' of time ka habang nagluluto.. habang naghihintay ka for something(like pagkulo ng pasta), dapat may ginagawa ka ring iba. Basta, ayun!
Hapi hapi. Sa chowking sa bundok siya nagcelebrate. Ahahaha. Ang cheap. Joke lang!
Kakain na ako. At hindi ko nilagyan ng papel. Hehehehe:)Thursday, May 18, 2006 at 9:24 PM
Anonymous said...
kaya ka pala nastress kanina ah! namimiss mo siya! hahahah uyyyy!!! (hindi kita nabati kanina).. at dahil dyan!! HAPI HAPI senyooo!
10:39 PM