hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
rainy day..go away
Buti na lang rin wala pa ring pasok. Kahit na ang ibig sabihin nito ay pagka-cram sa mga susunod na araw. Eh dun naman ako nabubuhay eh... :)
Nakakainis yung mga nangyayari. Argh.
May mali eh..basta may mali. Maraming kulang.
Anyway, marami akong kelangang gawin ngayong araw na 'to. Machine exercise sa 105, tawag-tawag, aral sa 53, etc. etc. (mas marami pa yung etc, asi yung etc yung nde ko pwedeng isulat dito..hehe)
____________________
Nagring yung phone namen. At dahil siya pinakamalapit, sinagot ni Mae..
Mae: Kuya! Sa 'yo... english speaking ah! Glenn: Hello..hello.. Wala naman eh. Mae: Meron ah! English speaking pa nga eh. Sabi, "pwede po ba kay Glenn?" Chanda and Giorgio: Hahahahaha!!!! Chanda: English speaking ba talaga? Bat tagalog yun!? Mae: Tanga, tinagalog ko lang para maintindihan niyo.
____________________
Sa tambayan nung byernes... Maingay kami nina katkat dahil sa pagpirma pirma sa sigsheet..
Karen Dogillo: Borrow ng pen... (nasa kabilang side siya) Chanda and Katkat: Ha? (maingay pa kasi nun) Karen: Borrow ng pen.. Chanda and Katkat: Ha? Ano daw? Mga ibang tumulong kay karen: Borrow daw ng pen!! Chanda: Ah.. Katkat: Haaa? Lahat na: Borrow daw ng pen!!! Katkat: ahhh.. english kasi eh!
Takte, tagalugin niyo kasi!!! Ahahahaha!!!Tuesday, July 25, 2006 at 11:27 AM