hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
Saya ng Sunday
Dumating na kasi Reggy eh.. :)
Syempre, gala kagad kami. By 12 ata eh nasa Glorietta na kami. Lakad-lakad, libot-libot. Hehehe, tyaga niyang sumama sa kin. Tapos bumili siya ng printer para sa , yung HP900. Yung 350 lang yung black ink pero kamusta naman yung presyo ng mismong printer? Hehehe. At shempre, dun na rin kami ng lunch *ahem*gym*ahem*.
At dumeretso na kami sa ninoy aquino stadium para manood ng UP-Ateneo game. Salamat nga pala kay lei na napagtanungan namin ng directions. Hehehe. Shet,kainis talaga! Sayang yung mga sigaw ko. Paasa lang. Pero sulit naman yung bayad kase nakita ako sa TV. Ahahaha! Jologs! Pero kasi ang saya saya ng 1st quarter, sabay ganun. :( Nalungkot talaga ako pagkatapos kaya napagdiskitahan ko yung chocolate na binigay niya. Takte, nakakalahati ako nung isang malaking (shet, nde ko alam size) basta, yung malaking size. White choco na may cornflakes. *ahem*gym*ahem*
Then nag dinner kami sa bahay nila :) *ahem*gym*ahem*
At inuwi na niya ako. Bumili pala muna kami ng ice cream bago umuwi. Nasasanay na ata mga kapatid ko ah. Tsk. Hehehe. Pero di na ako kumain ng ice cream,pramis. :D
Pero mukang marami pang calorie intake hanggang tuesday... haayy.. :)
__________________________
Pagdating ko sa bahay...
Chanda: Huy Giorgio! Nanood ba kayo ng UAAP? Napakita daw ako sa tv!!! (jologs talaga ako) Giorgio: Nge, feeling mo isa ka dun sa mga chicks na finofocus pag half-time! Glenn: Ate, baka ikaw yung dun sa purefoods Hotdog!!! Yung nafe-feature na kumakaen! Duet sila: Hahahahahaha!
Thank you brothers...Monday, July 17, 2006 at 12:30 AM