hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
dahil mapagkawanggawa ako...
Binigay ko 7/10 ng buhok ko para sa Guimaras oil spill.
Hehehe, 7/10 talaga eh noh? pero basta mahaba. Balik ulit ako sa short hair. Feeling 1st year college ulit ako. hahaha! ok lang mag feeling, blog ko naman 'to.
Kakaiba. Hindi ko na kelangan manghingi kay katkat ng panali kapag nde ako nakapagdala.. Hindi na ako aksaya sa conditioner (every other day ako nagshashampoo kasi nakaka-dry ng hair, unless may matinding pangyayari sa araw na yun).. Sandali na lang rin ako magbanlaw at magpatuyo ng buhok. Hindi na rin basa yung shirt ko kapag kakaligo ko lang.
Maglalagay dapat ako ng pic pero natatamad ako. Tsaka mag-aaral pa ako para sa 105 exam, less than 6 hrs na lang. Marami pa ako imimimorize eh.
Talo na nga pala US. Nakakagigil.Saturday, September 02, 2006 at 1:10 AM
Anonymous said...
talaga bang binigay mo o parang self-sacrifice lang? kung makakatulong, baka magpagupit na rin ako. :)
12:09 PM