hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
muntik na
Kasi, may ME (machine exercise) kami sa EEE105. At due yung kaninang 10pm. Syempre, kilala niyo naman ako, magpapass na ako nung mga 9:45. At pagkakita ko sa UVLE, nde pa ako member ng class!!! Oh noooo.... Tas naalala ko nga pala, sa TFU na section ako nag-enroll last time, then TFX pala kami. Shet,so pano na? Kahit mag-enroll pa ako at that time, nde na rin aabot.
So naisipan ko nang sa email na lang ako mag-pass.Ganun naman kasi nangyari nung ME1, kasi down yung UVLE nun. As in tinatype ko na.."sir marc, sorry po talaga, dito na ako nag-send. Nde pa po pala ako member nung UVLE class natin eh.. Kasi po sa kabilang section po pala ako nag-apply. Sana po maconsider niyo 'tong sinend ko. Wala pa rin naman pong 10pm.."
Tapos, nalaman ko nalang, lahat naman pala kami sa mail magsesend!!! Wala pa lang bin yung submission ng MEs dun sa UVLE namin. Takte!! Buti na lang, kundi mapapakunot ulo si sir sa kin. Hehehe.. Dyahe sana yun oh!!
Ay, oo nga pala, salamat kay chenney. Siya nagsabi sa akin na sa mail pala talaga isesend.Tuesday, July 25, 2006 at 9:47 PM