hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
opening
argh.
shet, kung may nakakahiyang exam sa buong buhay ko, yun na yung exam namin sa 153 kanina. Pakshet. Nablangko ako. Ang ungas ungas.
Hmm..napapagod na ako. As in super. Kelangan nang may give-up sa mga pinaggagawa ko. Ahumm. O may mali lang rin siguro talaga sa mga prina-prioritize ko. Oo, meron lang. Lalo na pag tinitingnan ko yung iba, meron talagang mali sa ginagawa ko.
Sumasakit na ulo ko, iniisip ko pa lang gagawin ko bukas.
Pero ang saya ng ERG Opening! :) Congrats sa INT,congrats kay R.A. Daming food! Parang sulit na sulit. Di lang parang, talaga sulit. May menudo, chicken (something), lumpia, liempo, pansit, carbonara, saging at softdrinks.. at nakapagpakain ng higit 120 people! Nagpakain pa sa mga labs nung gabi na kasi dami extra. May take home pa akong menudo. Ahahaha! Sa ERG lang meron niyan :)
First time ko atang mag ERG Opening eh. Last year kase eh, pinagpaliban ko. Hehehe...
Ay, nakakalungkot pala. Kasi baka pumunta na si Reggy sa land of the kangaroos (hehehe).. :( Tas thrice a year na lang kami magkikita. Oks lang, basta may pasalubong akong billabong flipflops. Harhar. :D Ay oo nga pala, bumaba siya ng bundok para mag take ng board exam. Next week na board exam nila tas ngayon pa lang siya magstart. Galeng..tsk.
___________________
Nung Sunday, pagkagising ko.. Glenn: Ate, sinuot ni Papa yung havaianas mo! Chanda: Wehh!?!
tas pagtingin ko nga, wala. Ang nakakarimarim pa dun, sa sabungan pumupunta tatay ko kapag linggo!!! Sheeeett!! As in kung pwede lang magwala nun..
Chanda: Ma, bakit di niyo naman sinabi kay Papa na hindi lang yun basta sipit! Ano ba yan! Mama: Ay, sinabi ko ah.. Yun talaga gusto niya isuot kasi yung mga kasama niya daw mga nakaganun rin. Chanda: Imposible! Malamang yung mga havana yung suot ng mga kumpare niya. tig sisingkwenta lang yung mga yun.
hindi ko nilalait yung havana ah..marami rin akong tsinelas na nde havaianas pero ang point ko, pinangsabong ng tatay ko yung iniingatan kong tsinelas!
Tas pag-uwi niya.. Mama: Lagot ka kay chanda, bakit yan talaga yung ginamit mong tsinelas. Papa: Hmp! Mas muka ngang peke yan. Plain lang.. Kina *kumpare* may design pa.
Grrrrr....
ps. hindi ako nagmamataas sa tsinelas ko. pero astig din talaga.. sa ilang taon kong pagtsitsinelas at ilang beses na napupudpod at bibili na naman ako, narealize ko na mas nakatipid sana ako kung yun na binili ko mula umpisa pa. nakakahinayang talaga sa una..pero sa kagaya kong araw-araw naman nakaganun, Sulit :) At pinakasulit kapag may magbibigay lang sayo nun :DTuesday, August 01, 2006 at 10:25 PM
Anonymous said...
hahaha!!
naalala ko na naman yung 153 exam ko. ahaha! nakngtinapa. sana hindi pagtawanan ni sir dennis yung mga sagot ko. haha
galingan na lang nating gumawa ng antenna para mahatak pataas yung grade natin :D
7:21 PM