hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
Gitara
Sa dami ng dapat kong gawin, eh kagabi naisipan kong mag-aral magitara ulit. Hehehe. Naiwan kasi ng kapitbahay namin yung gitara nila. Ayun, sinubukan kong alalahanin yung mga alam kong kanta dati. Pero shet, wala na talaga akong maalala.
Nostalgic. Takte, naalala ko talaga high school. Sa service, hehehe, si Michael laging may dalang giatara. Si Alexa lagi rin akong tinuturuan. Mula sa el bimbo, sampip, sway.. syempre yung mga madadali lang yun.
Tapos yun nga.. wala na akong maalala. Alam ko lang kung pano yung A, D, C, E, Em, F#m. Pero buti na lang may net. Ayun. Wala naman akong balak magpadalubhasa. Alam ko namang impatient talaga ako. Kaya pakonti-konti lang.Wednesday, September 27, 2006 at 10:59 AM