hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
hell week
magaalas-tres na at kaka toothbrush ko pa lang. Medyo nawala antok ko, kaya magpopost muna. Katatapos ko lang kasi "gumawa" mga MP sa 105.
Kelangan ko talagang pumasok mamayang 8:30 sa arkyol ko kasi 3 consecutive meetings na akong nde umaattend. Baka tanggal na ako nde ko pa alam. Pasahan din bukas ng answer sheets sa ME63. Exam na kasi sa wednesday.
Sa wed na rin pala deadline ng design problem sa 54. With docu yun ah. Takte, yung una nga ang tagal ko napagana eh.
Sa friday yung deadline nung mobot. Goodluck sa motor driver na nagshoshort. Ayoko talagang nagdedebug ng ckt na hindi ako yung nagsolder.
At sa sabado yung 2nd long exam sa 53. Juskopolord. Yun lang masasabi ko.
At antok na talaga ako. May kwekwento pa sana ako eh. Pero yun, tsaka na lang.
Mga next week pa... Monday, September 11, 2006 at 2:40 AM