hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
MAOT
Anong title nung bagong kanta sa Pinoy Dream Academy? Yung.. Nais naming marating.. ang tuktok ng mga bituin, di kami titigil...
Astig eh. Sobrang naadik na ako manood ng tv. Ahahaha! Lalo na Maging Sino ka Man. Shet, nakakaawa na si Anne Curtis dun. Adik na adik ako sa puntong hindi na ako nakakatext kay Reggy na nakauwi na ako. Hahaha.. "inuuna mo pa si Papa Sam at Papa John Lloyd."
Hay, not so good Monday. Unang-una, Monday na naman. Pangalawa, talo womens sa volleyball. Nakakhiya kina MM at Karen. Wala man lang akong nagawa. Bad trip.. parang napapatulala lang ako kapag may bumabagsak na bola. Bad trip. Di bale, participation 100 pts diba? Tas yung panalo 200. I'll make up to the lost 100 points. Promise. Hehehe, tapos basta, wala ako halos pinasukan na class. Nakakatamad eh.
Tapos na-approve na pala visa nina Reggy papuntang Australia. Yehey kasi ang tagal na rin niyang bum at oh-no kasi baka di na siya dito magpasko at matagal ko siyang di makikita. So by January, makikita niyo na ulit akong pakalat-kalat lang sa EEE.
Ang sakit na ng paa ko. Nagjo-jog na kasi ako ulit eh. Hehehe. Sa acad oval. Kaya kung nung minsan eh parang nakita niyo ako dun, tama kayo, ako nga yun. Ahahaha!
Engg week. Engg week. Engg week. At ang aming Ms Engg...
Ok ba? Pero mahihirapan yan magpaliit ng boses. Tsk. Buti pa yung iba...
Leche, naiinis na pala ako. Akala mo kung sino ka. Ang kapal ng muka mo! MAOT! Ang feeling feeling mo, mahiya hiya ka. Palipitin ko yang leeg mo nangtuluyan ka nang mawalan ng boses eh. MAOT! Hindi talaga ako makapagpigil, papatirin kita kapag nagkasalubong tayo eh.Monday, November 27, 2006 at 9:13 PM