hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
2nd planning sem
where: bahay ni Julie sa Antipolo when: friday-sunday last week (nakaktamad mag-isip ng date) mga nangyari:
grocery muna sa metro-east. kasama ako diyan!!! pero ako yung kumuha ng pic. hehehe... Dapat sakto lang sa 2k eh. Si katkat, may calcu na nga mali pa. Sa bilang niya mga 1,700 lang. Pero sobra kami ng bente. hehehe... wag niyo siyang isama sa grocery.
puro screen sa lahat ng sides kaya kita mo kung gaano ka-creepy sa labas. Si Julie at ang dalawang f_ _ _ t.
laki ng dining table (hindi nga lang kita). tsaka ang folding bed na literal na nakafold. Ma-straight lang siya pag may nakahiga na.
Oo!!! Planning sem 'to!!! Chips, tasty, palaman at cards.. ERG, plinaplano talaga naming mabuti ang 2nd sem.
Ang dahilan ng pagsikip ng pants ngayon ni Meiling. Nakikita niyo ba yung malaking tortillos? hahaha!! kami lang umubos. Iba talaga ako makaimpluwensya eh.
Mahal talaga ako ng execom...Lalo na ni Katkat. Aahhaha! Hindi ko talaga yan naramdaman. Natulog kasi ako nung kumakain sila ng dinner. Tapos nung nagresume, hindi na nila ako ginising. Sinulat-sulatan lang.
Ang presidente at ang bise presidente. Seryosong pic muna. Para masabing nagplanning sem.
Ang presidente at ang first lady???? Nag-bahay-bahayan po sila. Bale may schedule pala kugn sino mang may gusto sumunod. May nakabook na eh. Si _ i _ daw next.. hehehehe. peace.
PINAKIKILALA: ANG NURSE NG ERG.
Bale ganyan pala yung erg apparel natin sa 2nd sem ah. Available din pala in green and blue.
Go ERG!!!Tuesday, November 07, 2006 at 4:24 PM
Anonymous said...
tsk tsk... nangangamoy away 'to between chanda and katkat. hahaha! Ü
9:01 PM
Anonymous said...
labs ko si chanda, kaya nga sinulatan ko muka eh hehehehe!! peace.
10:18 PM
Anonymous said...
guilty kaya si katkat nyan. kumuha ng tissue,tas binasa, buburahin daw nya! haha.. eto naman si chanda hindi pa rin nagising, grabe!hahaha
7:57 AM