hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
Battle against sleep
At dahil wala na talaga ako maintindihan pa sa clusters-clusters, hehehe..magpopost ako. Antok na ako eh. Hirap din kapag ilang araw kang nagpakalango sa tulog. Ang hirap magpagising ng diwa. Tinanong nga ako ni Monde kanina kung magpopost ako, sabi ko hindi dahil "busy" ako. Kahit pa may 4 na libreng PC at mabilis na net connection sa kwarto kung saan naroon ako ngayon... Pero yun nga, nature calls. Wahehehe..
Overnight ako ngayon, hindi planado kaya wala akong dalang gamit.. Tinatamad akong umuwi para kumuha ng gamit kaya naman sinabi ko na lang sa nanay ko na i-meet niya si Reggy sa may FCM kasi nagtututor nga si Reggy dun tas ipadala niya yung mga gamit ko. Ok diba? Hehehe, close sila. Nag-meet na nga sila di pa nila ako tinetext eh.
Buti na lang nde bukas yung mobot race. kundi.. tsktsk. Napaka delicate pa mandin ng mobot namin. I mean, ok, may algo na talaga ako para sa pagtraverse niya sa maze. Mailalagay ko naman yun sa C language (na nagawa ko na yung ilan kanina), at maayos naman na nagcompile. Pero pag na download na sa mobot mismo, hindi siya umaakto ayon sa nasa program. Parang gusto mong sigawan yung motor ng "ow cammooonnn!!!" kasi ang simple simple ng code nde niya magawa. Tahakte. Basta, mahirap maexplain dito pero naalala ko pa lang kung gaano siya kagulo eh nagigising na ako (ok yun ah!). Hehehe.. *buntong hininga*
Pero yun, tinantanan nga muna namin ng aking groupmate na si O-jo dahil parehas din kaming may exam sa 153 bukas. Hapon pa naman pero yun, marami akong distractions sa buhay kaya feeling ko nde ko yun maaral pag bukas ko lang babasahin. Pero ganun rin, parang walang pumapasok sa isip ko habang pinagsusulatan ko yung pages. Kulang sa pampagising. Walang kwenta yung san mig coffee (no sugar) na strong. Strong na nga wala pa ring epek.
Hay, matatapos din 'to. Kahit ba may kelangan pa akong basahin na mga 100 pages para sa 105 exam sa wed. Ok lang! Kahit na ang mobot race eh sa thursday na. At may 53 pa sa Friday diba? Ok lang, lilipas pa rin ang linggong 'to. Ang sem na 'to. :D
Marami akong naiisip na ipost: 1. pagkasakit ng ngipin ko lately (karma) 2. pag-stay ng tita (kapatid ni mama) ko sa bahay namen. (na supeerrr kulet) 3. wish list 4. pagbangga ng tatay ko sa isa naming sasakyan gamit ang isa (hitting 2 birds with 1 stone philosophy) 5. pag-alis ni reggy :( 6. ang pagkakaroon ng kat-kat-tat!!!! chocolate
pero yun, hanggang dito na lang muna friends.Tuesday, October 17, 2006 at 2:14 AM