hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
Love Story
Sa jeep kanina, mag-isa lang ako..
1: Kumain ka ba mula kanina? 2: ahh..umm, oo 1: nako, hindi ka na naman yata kumain 2: kumain naman ako kahit papano 1: pinapabayaan mo na naman sarili mo... 2: eh kasi nga.. 1: basta bukas.. i-promise mo na ayusin mo lunch mo 2: opo...
sweet no?
oo nga, parehong lalaki sa 1 at 2.
ano na reaction niyo? weird noh?
why can't they have a love story?
unfair talaga. pero pwede naman sana eh. If only they'll tell their own story and not let others do it for them. Kasi kapag iba gumawa ng kwento, may halong paghuhusga. Sila ang nakakaalam kung anong klaseng love story meron sila at sila rin nakakaalam ng tunay na nararamdaman ng bawat isa.
At sa atin, bakit hindi natin suportahan ang kanilang istorya.Monday, February 19, 2007 at 10:22 PM