hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
bwiset
Kagabi eh nagbabasa ako sa PC, katabi ko yung pinsan kong 5years old at nakikitingin sa monitor.
Chanda: buurrrppp... Caitlin: nabusog ang baboy.
Takte! kahit bata inuungas ako. Nagsimula ito sa WCEL eh. Meron ba namang upuan dun na nasira dati tapos nugn friday lang, nakatayo na siya. Nakalagay sa likod eh "Ayos na 'to but for LIGHTWEIGHT persons ONLY." Diskriminasyon!!! ahahahahhaa!
Chanda: Takte. May chocolates ako na dadating nde kita bibigyan! Caitlin: Ay, ang sabi ko kaya nabusog ang payat!
*********
ang sakit ng likod ko ngayon kakabuhat nung GK :( aba, nde man lang ako naka stretch. tsaka kelan ba ako huling nagbuhat. pero masaya ang GK.. lalo na yung mga kulitan. pati mga batang nagsasabing "ang pangit mo kuya!!!" sa isang babaeng mem. Hahhaha! Sana maulit.
*********
Hindi na naman ako nakapag-sarahs nung friday. Ahay, takte kasi. Gusto ko na talaga nun pero ang kulit ng pinapagawa sa akin ng nanay ko. Nakatipid naman sa calories. Na nabawi nugn saturday sa pa-pizza ng RFiDSP group. Yellow cab! shet, kahapon na lang ulit ako nakakain nun.
********
At dahil dun eh namiss ko talaga si Reggy.. ayy, sad. Hahaha! namiss nung kumakain ng pizza. Eh kasi naman yun na yung pinaka-bonding moment namen. Fave talaga namin pizza tsaka spag with sausages. Pero since dapat eh diet ako, plao kong kumain sa Subway sa 14. ahahaha, kaso ang loser naman ata nun, wala pa akong kasama. Bakit kasi hindi na lang sa december ang valentine's day.Sunday, February 11, 2007 at 3:44 PM