hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
he's back!!!
Reggy's here in manila!
Alam ko na naman na uuwi siya, pero kanina (kahit hanggang ngayon) parang nde pa rin nagsisink-in na andito siya, i mean nasa UP lang siya. Dapat eh susunduin ko siya talaga. Well, nasundo ko pa rin naman siya, pero wala nga lang kotse. hahaha! napaka walang sense. Pero kasi, sakto ba naman na sira yung kotse, sabi ng tatay ko namamatay-matay daw. Siguro kung sa UP lang ako punta, iririsk ko yun, pero hello, super south na para sa akin yung sa airport. Pano kapag nasiraan ako along edsa, sinong sasaklolo sa akin. So yun, so wala nga kotse. Plano ko nang hindi siya sunduin kasi wala na rin talagang sense, plano ko nang magsort buong maghapon sa tambayan. Pero kinonsensya ako nina Karen at Nina. Kasi, di ko na rin naman nasabi sa kanya na nde ko siya masusundo since hindi siya tumawag nung nasa changi na siya. Ayun, so nasundo ko siya.. at kamusta naman, ako yung mukang mas galing sa malayong biyahe. UP-airport-UP, ni hindi man lang sumayad pwet ko sa airport.
Pero ang saya talaga! =) tas sabi ko sa kanya nung hinatid niya ako pauwi, hindi na rin ako sanay na andun siya. eh parang nung jan-march, kundi mag-isa, si monde kasama ko pauwi. tapos netong summer, kundi ako sasabay kay mm, mag-isa rin uwi. Tas basta, iba talaga na namumuhay ka ng "single" kasi ikaw lang magdedesisyon ng gagawin mo sa araw na yun. Kaya medyo kakaiba na kanina.. Dumaan kami sa grocery tas may kasama ako, eh lagi na akong naglalakad mag-isa..Iba rin kasi yung kwentuhan, hindi lang puro chismis (uy monde! hehe)..Tapos pagkababa ko ng kotse bahay na namin (at hindi ako yung nagdrive). Hehe, basta parang, wow! andito ka na ulet. Pero ang bilis lang rin ng panahon, ilang buwan na rin pala..
At syempre, siya ang aking partner in crime sa pagkaen. Patay na, nung nalaman ko pa lang na uuwi na siya, inisip ko kagad kung saan-saan kami pwede kumain. Ahahaha! As in for the past months, hindi napunta dun yung isip ko na "planuhin ang pagkain." Seryoso, sinabi ko sa kanya na kasabay niyang bumalik ang appetite ko. Oh no! Shet talaga. Pero nako, kala ko pa naman sa mga kakaibang kainan kami unang kakain, "naka-book" na pala kami una sa Jollibee. Nge. Hehehe, pagbigyan, joke lang :D
Ang ganda pa ng bag na pasalubong niya! Volcom! Hehe, tsaka.. tsaka.. :D
Pati nanay ko naexcite na andito siya, sakto naman may spaghetti kami, na sobrang favorite niya kaya yun, saya saya niya. Masaya rin naman nanay ko kase may pasalubong siya, pati tatay ko. Astig talaga. Hehehe, tas nakakalula pa chocolates! Dala ako mamaya :) Meiling, may twix. Hehe..
Basta, shet, ngayon na lang ulit ako nakapag blog ng ganito. Iba yata talaga ang nadudulot ng pag andiyan lang siya :) naks! 22nd din pala namen ngayon. Nung una, sabi ko pa na nakakatamad na magbilang, maghintay na lang kami sa July. Tas sabi niya, magsusubtract ka lang naman ng 2 ah. Fine.. mas mushy talaga siya (sshhh! di na yon nagbabasa neto).
first pic after 4 months.. at ako talaga yung mas mukang ngarag.
ps. yan pala yung heart ko na hikaw na napagkamalang "maga" ng tenga ko. ********
On the other side, nakakalungkot kasi talo yung isa kong kapatid kanina sa basketball. Yung panagatlo, si giorgio. Well, liga yun dito sa village, magkaiba sila ng team ni Glenn (2nd kong kapatid. After elimination, 1st yung team ni glenn, tas 2nd sina Giorgio (at ang haba na ng hair ng nanay ko sa park, 1st five din kasi silang 2) and twice to beat sila. Sina Glenn, ok na, pero kanina, nalaglag na sina giorgio. Nakakalungkot talaga, alam mo yun, lalo na kapag alam mong nalulungkot talaga kapatid mo na it wasnt a nice game. Pano, wala ring ganun kagaling sa kanila, or kahit ganun man lang ka-energetic para magbantay at magrebound. Pero di ko rin alam kung anong meron sa 2 games nila, nde naman siguro sila mag 2nd kung wala lang.
Kaya nga gustong gusto ko basketball kasi feeling ko may drama sa bawat laro. Na parang goal makarating sa finals tas ilang games bubunuin then with just one game, ur out.
Pero yun talaga, di bale, may aabangan pang game nanay ko. Yung finals nina Glenn pati yung senior division na maglalaro naman tatay ko. Hahaha! As in naiimagine ko pa lang natatawa na ako. Kase, hindi naman sila sporty ng mga kabarkada niya dito noh. Kundi sila nagsasabong, eh nagtotongits at umiinom. Pero nakakatawa na nagprapractice sila ng mga 6am. Sobrang nakakatawa talaga.. seryoso na ewan. At eto pa, eh syempre kilala yung 2 kapatid ko dito, tas biglang eeksena tatay ko. Sa mga hindi nakakaalam, hindi kasi ganun katangkad tatay ko, hmm.. mga kasingtangkad ko siguro. Eh goodluck sa mga height ng kapatid kong lalake. So parang, what happened? San sila nagmana? Hehehe, ang sama ko. Pero most probably ganun naman iisipin ng karamihan.
Post na lang ako ng ibang entry tungkol sa mga basketball games ng mga kapatid ko, ng tatay ko at ng nanay ko (the manager). :)Friday, May 18, 2007 at 12:07 AM