hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
Blog Blocked
It was reported as spam so I was not able to post for several days. Muka ba tong spam blog? Takte yan.
Kainis, kung kelan marami ako gusto ipost. Ngayon wala ako sa mood. Hahaha, wala daw. Isang linggo na ako inuubo. Last weekend, nde na ako nakalabas sa lecheng ubo at nanghiina talaga ako. Trangkaso ata tawag dun. Ayun. Tapos monday pumasok na ako kasi feeling ko ok na naman. Nakakpasok naman ako, pero ubo lang ng ubo habang nasa floor. At isang malaking pack ng tissue nauubos ko per shift, pwera pa ang pagkuha ng tissue sa CR. Hanggang sa parang nde siya gumagaling :( Kagabi I decided na nde na pumasok. Nagdadalawang isip pa ako kasi sayang yung pay sa araw na yun. Pero sabi nga ni Reggy, gusto ko ba daw ubo ng ubo sa grad rites, tsaka mas mahalaga ang health. Tama nga naman. So nakatulog ako buong gabi.. hay, gusto ko na ng normal na buhay.
Sana, sana tumawag na sila.Friday, April 25, 2008 at 8:00 AM