Naks, rhyme pa. Pedeng pang ad.
2nd day ko ngayon, pero kahapon eh 10 pm na ako dumating. Pero grabe pakikipagsapalaran ko. Unang-una, ang tagal ko nagpa-ikot ikot sa airpot ng Kuala Lumpur. Malay ko bang kelangan sumakay ng train para makarating sa immigration at ma-claim ang baggage ko. At eto pa, dahil naisip ko sosyal naman yung hotel ko, baka kasama yung pagsundo sa airport. EH may mga booth yung ibang hotels dun like shang, so lumabas ako para hanapin ang Sunway. Pero ang dami na kagad kumausap sa akin. Etong isang lalaki, sobrang pushy, kunwari accommodating pa. Tas pagtanong ko kung magkano, 250MYR daw. Eh syempre, nde pa ayos sa utak ko pag compute, naisip ko lang mahal, pero parang ok na. Kakapagod eh. Pero buti na lang bumilis na rin pag process ng utak ko at narealize kong SOBRANG mahal nun. Sobrang halos hilahin na ako ng lalaki at limo pa daw maghahatid sa akin kasi maganda naman hotel ko. Per lumabas ang tunay na Chanda, kahit nasa ibang lugar nde papagulang. Hahaha. hahanap muna ako ng mura. Buti pagtanong ko sa info booth, sinabi nila na mag airport taxi na lang daw ako. At pagpila ko nga for airport taxi, 67MYR lang!!! Imagine! Muntik na ako malinlang. Hahaha. Astig ko talaga.
Anyway, pero kapag papasok ako sa hotel, parang di ako makapaniwala eh. Parang, weh, dito ba talaga ako. Kasi diba, nde naman ako rich. Hahaha. Nung nagpipicture nga kami ng kasama ko, mag sumitsit, akala siguro nila nde kami naka check in sa hotel. Langya pala sila. Hahahah.



Sarap sa kama. Sana makabalik ako dito tas may ka-hug na ako. Awww.
Monday, June 16, 2008 at 9:59 PM