hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
First Day, how cool..
Sobrang bad trip ako kanina. Bad trip to the nth level! Ngayon ko lang ata nagawa yun sa buong buhay ko..iniisip ko nga kung nag-inarte ba ako. Pero kung nde rin ako umuwi eh marami lang rin akong mahahawaang ibang tao kasi alam kong ibang klasend pagkabad trip yun. Hanggang ngayong bad trip pa rin ako. Napuno na rin siguro ako, mula nung sermunan ako nung sunday..tapos samu't sari pang mga problema. Talo pa ang miami...May mga tao pang akala nakikipagbiruan ako. Meron ring walang konsiderasyon..argh! At nang hindi ko na makita ang block G9, at check opertor services na ang cellphone ko gusto ko na talaga magwala! I felt so helpless... Nagtitipid din ako sa gas at kaya lang ako nagdala ng sasakyan kanina eh para dun tapos napunta sa wala. Ginagago ba talaga ako!?! Dapat lang siguro nde na ako bumalik ng tambayan at dumerecho uwi na. At wala pa nga akong kinaausap mula kanina, walang nirereply-an. Bad trip pa ako eh... Invi ako sa YM, kasi may mga taong ayaw ko talaga makausap. Hay..hayy.. may mga taong hindi talaga maiintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Hindi pa ba nila nahahalata, hindi na ako kagaya ng dati. Kahit gaano ko pilitin, hindi ko na maibabalik yun. Tuesday, June 07, 2005 at 10:04 PM