hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
pagod
at kakagising ko lang...
ewan, pero nanghihina ako. kanina lang ata ako nakabawi ng tulog. Mula nung nakaraang sunday eh umaalis ako araw-araw, at halos buong week eh lagpas 10pm na ako nakakauwi.
kung di sa main lib eh sa seattle's kami nag-aaral. Meron pala kaming 10% off dun! grabe.. at nung myerkules eh sinubukan kong mag tripple espresso. Aba, matindi pala to dahil 48 hours akong hindi nakatulog. hindi ako naantok pero bangag na bangag ako.
Sabado. gising ng alas tres kasi wala pa rin ako naaral masyado. 8:15-10 exam sa eee21. 1-3 exam sa eee43. tapos pagbalik sa tambayan, gagawa na daw kami ng circuit. Pero napansin naming wala kaming magagawa dahil bukod sa wala talaga kaming alam, eh bangag na kaming lahat. kaya naman hininto na namin. Umalis na ako at pumunta na kami ng greenhills. Siya bibili ng telepono, ako ipapaayos ko yung akin.
Grabe, dun sa mga una kong pinagtanungan, 500 daw! eh software lang naman aayusin dun. Sabi pa rovina, 300 lang daw. Eh di hanap sa iba. hanggang sa may iosang nakatayong mama. Sabi niya, "Ma'am, repair?" Eh di sinabi ko, sabi niya, 500 nga daw. Sabi ko, "Nge, eh sabi nung kaibigan ko 300 lang daw." Tapos biglang sige daw. 300. Naku, naisip ko wrong move, sana 200 na lang sinabi ko. Eh di sabi ko na lang "ay, 300 na ba talaga? babaan natin, 250! Sige na.. maggaabi na oh..wala nang magpaprepair." Ayun, pumayag. Kahit na sabihing nakatipid ako ng 250, hindi pa rin, kumita pa rin sila sa akin kasi software lang yun. Walang nabawas sa kanila noh. Kahit 100 dapat pede na yun. At tumuloy kami ng galle para bumili ng regalo ng kapatid niya at para kumain na rin.
SObrang pagod at antok na rin siguro nun. Tulog ako kagad pagdating. AT ngayon nga, mga 11 na ako nagising. Puro na text, alas dos na lang pala kami magkikita. Gagawa na talaga ng circuit...bukas na to kelangan eh. Hayyy... hindi pa matatapos to. Exam sa eee41 sa sat, sa eee107 naman sa monday. Idagdag pa na magsisimula na erg week. hay....
gawa na phone ko! perowala nang contacts..tsk! kaya pag tinext niyo ko.. pakilala kayo :DSunday, July 10, 2005 at 10:59 AM