hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
long exam, problem sets, etc
"Uy, nood daw tayo nina Marvin ng UAAP sa thursday." "Thursday? Eh may lab ako nun!" "Eh di mag-absent ka, minsan lang naman eh" "Anukaba! Eh once a week lang yon. Tsaka di talaga pede kasi may exam pa ako a sabado." "Sa sabado pa pala eh! Sige na, ang KJ mo naman eh. Ang dami na naming sasama" "Takte..nde talaga pede"
Ganyan yung naging usapan namin ni Andres* nang makasalubong ko sila ni Marie* sa may CS. Papunta ako nun sa lib at sila naman ay papasok sa STS. Humaba pa talaga ang usapan kasi pinipilit niya ngang sumama ako. Gusto ko nang magsisisgaw nun kasi bakit ba hindi niya maintindihan na hindi talaga ako pede. Bukod pa sa kinuha niya ang jacket (same old Andres) ko kaya hindi ako makapagpatuloy pumunta sa lib.
Siguro nga, nawiwirduhan na ang mga tao sa akin kasi sa tuwing niyaya nila ako, may exam akong idadahilan. Eh totoo naman na may exam talaga ako. Sabi nila, ang dalas naman daw. Pero kasi, sa eee, walang midterms; merong apat o tatlong long exams ang karaniwang subject. Pag swerte, may finals pero ag malas-malas, wala. So bawal ka magpabaon sa kahit anong long exam. At kadalasan, unang araw ng klase pa lang eh may schedule na ang mga exams na iyon, malimit na Sabado ang mga araw niyon. Bukod sa exam, meron ding problem set na kailangang ipasa sa week bago ang araw ng exam. Ang problem set at parang exam na rin, pero take home, at shempre, medyo mas ok siya kasi pwede magtanong sa classmate (na minsan, uh..sige na nga, madalas eh todo kopya na lang ako. hehehe). So yung buong week mo, mako-consume ng paggawa ng problem set at pag-aaral para sa exam.
Ngayong sem, meron ang 4 na subject na may 4 long exam (3 sa kanila, puro sabado ang mga exams), at isang subject na may 3 long exam lang. Merong mga linggo na may dalawang exam kaya naman meron din akong "free weeks" kahit papano. Meron din pala akong 2 labs na once a week lang at hindi pwedeng ma-miss. Isa dito, kelangan ng lab report.
Kaya hindi ako nago-oa pag sinabi kong may exam na naman ako. Pero hindi pa rin ako GC. Umm, nag-iba na kasi yung level ng GC sa amin.
La lang, naisipan ko lang i-explain. Ayoko pa mag-aral eh. booh!
________ * classmates ko nung hs, patuloy pa rin nilang dinedeny na hindi sila. *bow*Tuesday, August 09, 2005 at 1:03 AM