hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
Ngarag
Pagkatapos ng stress last week dahil sa mga events ng ERG.. ngayong week naman, kakaibang stress rin.
Inayos ko na ulit buhay acads. Maling term siguro yung "inayos" kasi as if naman ayos talaga. Nawiwindang na ako kaka-cram. Pero yun, hinarap ko na. Mula Lunes eh feeling ko acads lang inaatupag ko.(Pero hindi pa rin maiiwasang makipagdaldalan pa rin sa library.) At dahil araw-araw na ulit yung tatay ko umuuwi dito sa bahay kasi nalipat na siya sa Novaliches branch, hinay-hinay muna kaming magkakapatid sa pag-uwi ng late. Kaya naman natagpuan kong mas effective mag-aral sa bahay mag-isa. Yun ay pagktapos ng telenovela marathon ng aking mga kasambahay. Nakakainis kasi sa lahat ng tv dito sa bahay eh puro yung kubang yun nakikita ko. Kaya naman naging routine ko na yung dumating nga mga 8 (8, hindi masyado late, magaaral muna ako somewhere sa UP or kakain muna), matulog muna ng mga 9-12. Aaral ng 12-5. Tutulog ulit ng 5-7 kasi yun yung mga oras na mgkakagulo na kasi papasok na sila. Kaya naman nahiritan ako ng bunso kong kapatid kanina, "Akala ko ba mag-aaral ka, bat tulog ka nang tulog?" Kaya naman nasagot ko siya ng "Ang kapal mo, sa buong oras na tulog ka, nag-aaral ako." Hindi rin muna ako bumili ng internet card para maiwasan ang makipag-ym. Marami rin kasing nauubos na oras once na nagconnect ako (gaya ngayon!).
Grabe, sa buong buhay ko, eto na siguro yung pinakamatinding pagseryoso ko sa pagrereview. Siguro, nararamdaman kong kailangan na talaga. Kung gusto ko pang manatili sa department ko. Friday, August 05, 2005 at 3:06 AM