hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
nalalabing oras
8 hours na lang na bago mag-exam sa 43. -1 1/2 hrs para sa biyahe (UPCAT kasi mamaya so nageexpect ako na matratraffic ako sa UP. hindi na rin ako magdadala ng sasakyan para kung mamalasin at kelangan maglakad, wala na akong proproblemahin) -1 hr para maligo at magbihis at kumain ----- 5 1/2 hrs
Eh wala pa akong namemerize na formula, wala pa akong nasasagutang sample problem, nde ko pa alam ang value ng µ◦ ... Lecheng mga motor yan! sarap pasabugin. At gusto ko rin sanang matulog kahit papano bago ang exam.
Kaya ko kaya yun sa loob ng lima't kalahating oras? Ay, minus 30 minutes na ulit. May internet card na kasi eh. Tsk.Saturday, August 06, 2005 at 12:04 AM