hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
Sa wakas. Pagkakataon na para makapag-post ng medyo matino na entry. This time, hindi na ako magrarant sa ka-toxic-an ng acad life.
Dahil magrarant ako tungkol sa game ng UP kanina. Isang malaking kaungasan ang buong game. Pangit ang laro ng mga dapat nagdadalang players, sabay wala pa si santos at sabay ang dami pang playing time ni Buyco. Ewan kung bias kasi dati pa mainit ulo ko dun, pero ang pulpol talaga niya kanina. Wala halos naipasok na sa mga chance shots niya. Ay jusko..ewan na lang talaga. Hindi ko alam kung anong problema nila. Isa na sa pinakamhina this season ang UST tapos ganun. Kahit na sabihing overtime, buong game eh puro kapalpakan. Ang daming turnovers, missed shots, kahit stepping pinatos pa nila. Hindi ko lang kasi inaasahan na matatalo sila kanina. *chanda, ang puso mo*
Ayun, ok naman ngayon. Wala akong iniisip (muna) na exam. Masaya ako tapos na ang ERG month. Masaya ako natapos nga rin ang raffle (pero maniningil pa rin ata ako). Masaya ako nakabawi na ako ng tulog. Masaya ako nakapasok na rin siya ng bahay. Nagkaroon na rin kasi ng pagkakaton. Masaya ako kase.. umm. Basta masaya ako :)
hindi pa rin pala matino tong post ko.Sunday, August 14, 2005 at 4:58 PM