hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
part-time-job (sana)
Kanina naisipan ko nang kumuha ng application form sa starbucks. Medyo napag-iisipan ko na to nitong mga nakaraan dahil meron kaming kapit-bahay na currently part-time barista nga. Ayos kasi pag nagka-pasok na, i-a-adjust daw sa sched mo sa school. Naisip ko rin na puro panghapon ako next sem kaya malamang pwede (malamang lang).
Isang form pa lang hawak ko ngayon, ni hindi ko pa nga nasusulatan, pero ang dami nang pumapasok sa isip ko. May free coffee bawat shift. Ayos! Tas yung friends may discount, 20% ata. Ay, goodluck sa starbucks. Malulugi sila sa akin lalo na kapag sa katipunan pa ako mapupunta. Orgmates na gsiing 24 hrs, high school-mates, mga nakilala sa bawat class..lahat sila. Tapos inisip ko nga rin kung dun ko nga gusto. Mahirap pag walang koche. Pag nagkoche naman ako eh di sa gas lang napunta sweldo ko, eh part-time lang yun kaya maliit lang talaga. Inisip ko, pwede sa sa sm fairview tsaka dun sa may convergys building sa may commonwealth (mas ok to). Excited akong matutunan kung pano ginagawa yung mga tig-100 na kape na yun. What makes them so special and ex-pen-sive.. chuva chuva. Marami na akong inisip kahit na hindi pa nga igurado kung ipapasa ko yung form. Hahahaha.
Pero marami rin akong dapat isipin dito. Unang-una syempre acad standing. Eh nung wala nga akong trabaho sumasablay na eh, pano pa pag meron. Tpos yun, sched, dapat nde ako kukuha ng shift pag sat morning at fri night. Dun kasi papatak mga exams eh. Pwede bang ganun sabihin ko sa management? Tapos, makayanan ko kaya? ahahaha. lenchak. Ngingitian ko lahat ng pupunta sa counter..Magsusulat ako ng pangalan sa cups at walang sawang magsasabi ng "would you like to make it tall ma'am?" Actually, pagwalisin na lang ako at pagmap-in wag lang makiharap sa iba't ibang tao.
Hehehe. Ang haba na ng nasulat ko. Wala, gusto ko lang kasi magpost kasi naha-hyper ako at gusto ko maglabas. Nakakalungkot nga lang na hindi ko maisulat yung talagang nakakapagpabigat.Saturday, October 01, 2005 at 11:08 PM