hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
i need vitamins
Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko, naramdaman kong kailangan kong uminom ng vitamins.
Huwat!?!? Ang taba taba ko tas iinom pa ako ng vitamins? Ahahahaha. Alam ko natatawa rin kayo. Nung bata nga ako nde ko naexperience yung flinstones araw-araw eh. Nagpabili lang ako minsan kasi naiinggit ako sa patalastas. Tapos non, sabi na ng nanay ko "tumigil ka na nga jan! ang mahal, hindi mo naman kelangan yan kasi mataba ka na." Ahahahaha! Ang harsh ng nanay ko.
Pero yun, feeling ko malakas dapat ako. Pero grabe yung pagod na nararamdaman ko araw-araw. At habang lumalaon, nadadagdagan yuing mga dapat kong gawin at mga hindi ko nagagawa. Hihintayin ko muna sigurong maka-adapt yung katawan ko sa ganitong kalakaran. Baka rin kasi may nakaset sa utak ko na "nakakapagod" yung ginagawa ko.
hapon- klase gabi-tutor mas gabi -acads (dapat) madaling araw- tulog umaga-marketing
Yung sa pagtu-tutor, feeling ko may dalawa akong anak. Eh weird kasi ng job description ko dun eh. Nde ko alam kung yaya o tutor o nanay na. Sa kasalukuyan kasi, "sub" pa lang ako dun. At syempre, kelangan ko lang sundan yung mga ginagawa nung mga nauna sa akin. Sa apat na araw, marami na akong nagawa: nagbasa ng history at i-kwento iyon i-check yung pag-add ng decimals gumawa ng speech about sa fashion-grabe, ako gumagawa ng speech!?! isa ito sa mga nde ko maatim na gawin nung hs manahi -mas grabe, elem pa nung huli akong nagtahi (nde kasama cross stitch ah). sabi ko "ay, running stitch lang alam ko ah." buti na lang at tinuro naman niya sa akin kung pano yung stitch gumawa ng 4 na PRAYER -grabe to the highest level! Naiimagine niyo akong gumawa ng prayer? Isa para sa bio, isa para sa math, tas sa english at sa soc sci. goodness. Hindi ko pa rin alam kung gusto ko na ngang pumirma ng kontrata para dito. Bahala na.
Kaya bukas, bibili na ako ng vitamins. Stresstabs kaya? Clusivol? Enervon? Flinstones? (nge) Basta, kelangan ko kasi hindi pwedeng mag extra joss ako araw-araw. Kailangan ko kasing mai-set ulit yung utak ko na hindi ako napapagod. Thursday, November 24, 2005 at 12:41 AM