hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
sabado
Sana laging may seminar ang ieee every saturday.
For 50 pesos, meron kang: 1. morning snack na lasagna(too bad i missed this. almost lunch time na kasi nung dumating ako. plinano ko ngang i-claim to kasi sayang sa 50 pesos. ahahahaha) 2. lunch na maraming ulam at maraming salad at masarap na brownies na may cashew nuts(na tinodo ko kasi hindi pa talaga ako nag breakfast nun, pagkagising ko eh deretso na ako) 3. afternoon snack na palabok at puto(plano ko ring i-double yung afternoon snack in exchange of that missed morning snack, pero sobrang busog pa ako.) 4. certificate (na ito dapat pinakamahalaga pero number 4 siya)
Andun din ang walang katapusang kulitan na akala mo mga grade school na nag field trip. -nagpapalipad si geof ng eroplano sa grassland sa tapat ng building, sa hallways, sa kung saan saan -walang katapusang tawanan sa table habang kumakain hanggang sa masuka-suka na yung iba. -ang pangtritrip kay ROWLAND (RJ) dahil napakapormal niya nung araw na yon. -ang pagpupuna sa kakaibang mga tao, gaya ng babaeng naka-SHAWLna halos pwede na niyang ibalot sa katawan niya. -ang pagsabi ni geof ng malakas ng "umuwi na siya kasi NATATAE" nung tinanong ko kung nasan ni si Jayrald. Take note, nasa kalagitnaan kami nun ng kaguluhan dahil kakatapos lang at lahat kukuha ng certificate. -ang nakalagay na note sa rj45 an socket (yung para sa lan) na "INSERT FINGER TO HAVE AN ORGASM" nakita namin sa table namin. -ang pagbabanat na "additional 20 daw for dinner" -ang pagpuna sa speaker sa kanyang "BLUTUT" (bluetooth) at "WHAT DOES THIS DOES". okay diba?
Basta overall eh masaya ang seminar. Marami rin akong nakausap na ibang EEE na hindi ERG na dun ko lang halos nakausap.
At kakaiba talaga ang sabado na to sa mga dahilang hindi ko maaaring isulat dito. --------------------------------- medyo napapagod na rin pala ako kasi 4 consecutive nights na akong umuuwi ng late. hindi ko alam kung matatagalan ko to at makakasanayan na yung ganito. Sunday, November 20, 2005 at 12:11 PM