hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
ibong adarna sa UP
Pag kelangan mo mag-aral, saka mo naiisipang gawin ang ilang mga bagay.
Gaya kaninang umaga. Maaga ako bumangon para magbasa pero nauwi na lang sa pag-gupit ko sa buhok ko at paglalaro ng sims.
Successful in a way ang pagpasok ko kasi pagkatapos ng sandaang taon, pumasok na ulit ako sa dalawa kong class tuwing MTh. Ang physics 103 at eee 105. At mas successful kasi hindi ako naging bato. Kasi ba naman parang nasasailalim ako sa powers ng ibong adarna (peram muna lei ah) kapag nasa mga klaseng ito.
At ngayon, imbes na mag-aral. Nanood ako ng tv at nagnet at pa-post post pa ako dito. Goodluck sa kin.
Mag-d-dc na ako at mag-aaral. WAG KA NA BOY!Thursday, February 16, 2006 at 11:14 PM