hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
naantok na ako para mag-isip ng title
>Hello blog.. 'Sup? >>nothin much. bout you? >uh, got 3 exams on sat -_- >>aww.. bloody day. > u bet! argh.
Ahahaha. Wala lang. Saya ka-chat ng blog ko. Minsan iniisip ko kung naprapraning na ba talaga ako eh.
Hindi na naman ako pumasok kanina. Maaga naman ako nagising kasi natulog lang ako buong Sunday. Pero may kakaiba talaga sa physics na yan at pinipigilan akong pumasok eh. As in every monday and thursday na lang. Whew! Kung di lang ako makapagpigil. Naku. Eh parang "kanto boy" pa ichura ng prof namin dun. Well, hindi pala kanto boy yung tamang term, kasi ang layo na niya sa pagiging bagets. "Sunog baga" na lang.. naaalala niyo yung mga sunog baga sa home along da riles? Yung kay Dolphy? Ayun! Kahawig niya yung mga yun. (Sir, kung nababasa niyo to, hindi kayo 'to. May isa pa akong physics class at siya yun. Pramis, hindi talaga kayo to.) Tas pag nagdidiscuss siya, ang sarap sabihan ng "wag ka na booyy!!!" (c/o mga kapatid ko)
Hayy, basta parang nag-shut down yung katawan ko pagkatpos ng careeer talk. Basta wala na akong paki-alam sa lahat. Heheheh. Naku, kelangan ko ng push para sa 3 exams sa sabado. tsk.
And today is valentine's day. Hindi ko ma-explain yung feeling. Parang may something na kakaiba tas nde ko point out. Feeling ko nga mas inaaalala ko pa ang araw na ito dati nung single pa ako eh. Or masyado lang akong maraming iniisip ngayon kaya nde ko ma-enjoy. Pati gift ko, cri-nam ko! Ahahaha. Buong buhay ko cram. At hindi ko pa to nasasabi sa kanya. Bukas ko na lang ieexplain. Sayang, dami ko sana ideas pero hindi na kaya overnight eh. Di bale, sinulat ko sa planner. Meron pa namang next year :)Tuesday, February 14, 2006 at 12:09 AM