hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
summer update
Panahon na para mag-update. Shet, kaungasan na nangyayari sa buhay ko. Gumising ako kanina tapos napaisip ako kung nasaan ako. Ahahaha! Pano ba naman, mula friday night eh sa wala na ako sa bahay. Samahan pa ng ilang overnight ngayong summer. Basta pagod na pagod talaga yung feeling ko. So ano na ba nangyari?
ilang beses kong tinangkangmag-update pero hindi natutuloy. either tinatamad ako o wala talaga akong panahon magblog pag nasa tapat ng pc. walang panahon dahil naantok na talaga ako.
natapos na rin ako sa P.E. ko! wohooo!!! asteg. hehehe. at hulaan niyo na lang kung alin sa dalawang P.E. ko yung natapos ko ;p
2nd kami sa FOPC!!!!!
wohooooo!!! beat that! sheeeetttt. kakaibang feeling.Kung akala ng iba na 'nagpapansin' lang kami sa binagsak naming 4000 nung unang bagsakan, eh hindi po totoo yun. Wala tlaga kaming ibabagsak halos at that moment. Kahit ibagsak namin lahat ng meron kami at that time, hindi man lang kami aabot sa kalahati ng 30,000. Pero yun, dahil magaling ang ERG, nakahabol kami.Sa PET, takte to. marami akong naranasang mga bagay-bagay dahil lang sa paghagilap ng PET. Sumakay sa labas ng truck, magpalakad-lakad sa lansangan ng muntinlupa (na naka-shorts), kumain na parang patay gutom sa bus, at kung ano ano pang kaungasan. Pero nung andiyan na, nung tinatapakan na namin, ang saya talaga! Sana talaga may makuha akong picture nun. Yung na-occupy namin yung isang space dahil magtatapak kami ng PET. At sa mga papel, astig talaga, parang nag magic yung mga papel at dumami sila. Actually, na-underestimate namin yung mga papel namin sa 'mansion-ng-aso-nina-Arlan'. Marami na pala yun. Marami na pala yun compared sa mga nanakot na papel ng kabilang tambayan. Ahahaha! So kung iniisip nila na mas marami silang papel, ganun din iniisip namin. Nagulat na lang kami nung dinala na namin sa vinsons. Tapos napunta pa kami sa last. 12 midnight na natapos at naabutan pa kami ng ulan. Pero ang sayang makita na andun pa rin yung maraming ERG, nagtutulungan.
Basta, worth talaga lahat ng paghihirap. Ang dami daming laging tumutulong at gumagawa ng paraan. Go for co-chair next year! . Basta sa ERG, posible:)
pero lahat ata ng kasiyahan may kapalit. putakte, pero kasalanan ko talaga yung pagreremovals ko sa 103. jusko po. kung pumasok lang ako araw-araw pasado na eh. ahahaha. pero tama nang pagsisi. pero ang laking kaungasan ko talaga eh noh?wah! sarap iumpog sarili ko sa pader. ngayon,problema ko kung pano ako mag-aaral dahil summer na summer na. Sa laki ng libro ng 103, imposibleng nde nila makita.
talent show nung byernes.
Buti tinulog ko na kagad yun kesa ksama pa ako sa mga nagsisisi ngayon. Tanginang mga kabangagan ng mga tao yan. Kahit nung umaga na, hindi mo makausap ng matino. Empe kasi yung tinira. Ewan ba parang bigla akong tinamaan. Eh ayoko na talaga i-max kaya nahiga na ako. Tapos nung umaga..tinatawanan nila ako kasi pinopongka at pinapalo na pala ako ni mei nungpagbalik nila pero nde ako magising. Shet, naharass ako ng lasing. Ahahaha! Si geof pa, ginigising..tapos ang hilong hilo pa ata. Pag pinapa-smile namin, nagsmile. Sad face rin. Ahahaha! tangina. nakapikit pa siya nun ah. Dumating kami ng mcdo katips nung umaga na may hawak pang twalya. As in tinginan talaga mga tao sa mcdo. Parang may walking distance lang na resort dun. At dahil hindi kami pwedeng umuwi sa ganoong sitwasyon...
'ala-big-brother-house-sa-house-ni-jayrald'
At sa may malate pa 'to ah. Inampon kami ni Jayrald over the weekend. Ako, si mei, geof at ra. Hehehe. Sarap, parang hotel accomodation kase aircon pa yung kwarto. Takte,parang sleepover party, basa-basa magazines, nood tv. Pansit canton mania rin nung hapon ba yun o hapunan na? nde ko maisip talaga. Pero kaya kami andun eh para gumawa ng ____. Di pwede sabihin. Hehehehe. Buti naman at natapos. Sunday umuwi na sina mei at r.a. pero kami ni geof, dun lang. Hehehe. Sinulit.
ayan, kaya windang pa ako halos. may lakad kami ng nanay ko at ndeko amsabing mag-aaral ako ng physics eh. jusko po.
miss na miss ko na si reggy. pakshet. At nakwneto ko na ba sa inyong nasend ko sa nanay ko yung message ko para kay reggy? Tahakte yan! Of all people, sa nanay ko pa! Buti na lang hindi mushy masyado. -__-" Tinetext ko na kasi si reggy nun tas naisip kong itetext ko nanay ko dahil di pa ako uwi. Ayun, dyaheee.
ahahahaha! meron pa siya nung gabi... mejo naka-ahon siya sa pool. Pero basa pa siya ha. Tapo binubuhusan siya ng tubig, sabi niya "waag, malamig! wala kong kumot!"
10:57 PM