hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
Bagyo
Isang bandehadong champorado siguro naubos ko ngayong walang pasok. Hehehe. Nakakabaliw kaya na walang kuryente at walang landline. Dagdag pa na wala kang bat sa cellphone mo. Kaninang madaling araw lang kami nagkakoryente. At ayaw ko na alalahanin kung pano ko na-spend yung mga oras na yun sa bahay.
Kahapon pala, umasa ako na may kuryente sa EEE kaya pumunta ako. Pero pagpasok pa lang ng jeep sa UP, napa-shet na kaagad ako dahil sa nakita kong disaster sa mga UP. Imagine, mga acacia,na-uproot! Habang naglalakad pa ako sa Velasquez, eh para talaga akong nasa gubat. Hehehe, nagbagsakang mga branches, mga mamang nangunguha ng mga kahoy. Sayang nga eh, wala akong pictures. Tapos pagpunta ko sa EEE, sakto pinatay yung generatos. Wala na ring tubig dahil patay na yung pump. Josko, mas mabuti pa pala sa bahay namen. Eh di nag-ikot na ako. Sa Vinsons, si Bonifacio na lang nakatayo, yung mga puno bumagsak na. Basta, kakagulat talaga nangyari sa UP. :( Siguradong maraming malulungkot sa mga nawalang puno. Pero buti na lang talaga pumunta ako kahapon, nakita ko yun. Kasi parang whoa! talaga, eh pag sa lunes na, malamang malilinis na yung karamihan dun.
Tapos nag-sm na lang pala kami ni Reggy pati yung mother and father niya. Naks, close. Hehehe. Pero sobrang daming tao, dahil nga siguro wala ring mga kuryente sa bahay nila.
Pero buti na lang talaga walang pasok nung thursday noh? Imagine, lumilipadlipad yung mga sanga. Tsk. Ipagdasal na lang natin yung mga nasalanta talaga. Maraming walang makain kasi nasira lahat sa kanila. Eh yung feeling nga nating nawalan ng kuryente eh nakakaburaot na, yun pa kayang nawalan ng bahay at walang makain?
At iniisip ko ngayon na mas hahaba pa ang sem na ito dahil sa pagkawala ng class. Hmm..Saturday, September 30, 2006 at 7:58 PM