hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
Food Trip
Hi friends, after kong matuklasan ang Ea-ji, BreadPan, Rael's Sampaloc sa SC (yung maalat) at choco mucho, marami na ulit akong natuklasan. Hehehe...
HungryPac Crinkles and Chocolate cake Super!!! Nung una, naki-free taste lang ako pagdaan namen (oo, makapal talaga muka ko) sa The Block. Pero di ko mapigilan bumili nung chocolate cake. Hehehe, maliit lang naman siya at 3 for 100. Baka sabihin niyo ang garapal ko, isa lang binili ko (35 pesos). Pero di ko na nahintay na makahanap ako ng uupuan, kinain ko na habang naglalakad. Super sarap din ng crinkles nila. Kaso medyo mahal kasi 80 pesos yung pinakamurang box. Basta, katapat siya ng Burgoo sa The Block, SM North.
Cerealicious! Para siya ice monster pero mamimili ka sa mga cereals (malamang). Tapos yung gatas niya, frosted, parang ice cream kaya nde gaano maghahalo-halo yung lasa ng mga cereals. I recommend (naks) na yung Create-your-own yung bilhin niyo. 45 pesos tapos 3 different cereals (of your choice) yung kasama. May milk na rin yun. Yung mga blockbusters kasi nila, na worth 80 pesos, isang type lang ng cereal, may ice cream lang at kung anong eklat na toppings. Basta, kung mahilig kayo sa Ice Monster, magugustuhan niyo rin to. Nasa The Block din ito. Nakatapat dun sa SM Main building. Katabi niya yung Cafe Arabico na never ko pa nakitang may kumain. Ahahah. Ang sama ko. Basta, try niyo. :)
Kettle Corn Eto medyo corny. Kalasa pala niya yung Hole Kettle Corn, pero mas matamis. Yun lang, kasi ang tingin ko dati dito sa Kettle Corn lang eh hindi masarap at boring ang lasa.
Brownies' Peanut Butter Crispies 15 pesos ata eto, pero ang sarap! Kalahati ng cross section niya eh chocolate tas may crispies at may lasang peanut butter. Nakaka-bother lang na hindi ko siya nakita sa Brownies nung huling 2 beses na pagpunta ko. Sana naman, hindi nila phi-nase-out (what a word).
Subway Corny ko noh? Ngayon lang ako nakakain eh. Hahahaha! Pero ok talaga eh. Naalala ko, ginagawa lang ni Mario ng lifestyle channel yung mga jumbo burgers. Kaya na-excite talaga ako. :) Pero next challenge, 12 inches!! Joke lang, di ko kaya, nakakabusog yung kalahati.
Del Monte Fried Chicken Mixes, Restaurant Style Gusto niyo ba ng murang KFC? Hehehe, di naman kalasang-kalasa pero ang sarap talaga! Bale mabibili siya sa supermarket for 36 pesos ata. Tapo, may mix na dun para sa kung saan niyo imamarinate, tapos mix sa breading at mix sa gravy. Kumpleto talaga! Hehehe, pasubok niyo sa mga nanay niyo. Seryoso talaga :) Kina Reggy ko 'to natikman. At bumili na rin ako para dito sa bahay namen. Manok na lang kulang.
Yan na lang muna.. nakakatamad maghanap ng pictures. Subukan ko na lang silang picture-an kapag kumain na ulit ako. Hahaha! Go jogging!!!Tuesday, November 28, 2006 at 10:14 PM
Anonymous said...
oo na..masarap na yung create your own..hehehe palpak kasi kung oreo blockbuster ko..wahhh..hehehe...=)
12:14 AM