hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
2007!!!
first post sa 2007! yey!
wala naman ako masabi. hmmm, nanood kami ng pyro olympics nung sabado. astig!!! hehehe, lagi talaga ako na-aamaze sa fireworks :)
napahiya pa nga ako sa isang resto dun. kasi nakakapagod na talaga. late kami kaya imposibleng magdala na ng sasakyan. pagkababa sa mrt, punuan pati sa mga bus so nakatayo kami. naglakad pa kami mula dun sa before ng intersection sa macapagal. so magda-dine na lang kami sa mga restos na nakaharap dun para makaupo man lang. eh di lapit ako sa guard, "pwede ba pumasok?! kakain kami!" Pagkakita ko, spanish chuva na kainan tas mukang sosyal yung nasa loob. *gulp* tas sabi nung guard, "ma'am, may reservation po ba kayo? yun lang po kasi pwede pumasok." so pahiya talaga ko, dami pa manding tao dun. pero buti na rin siguro, baka kasi hindi kami mabusog ni Reggy sa oorderin namin (makakaya naming orderin).
astig din kasi nakita namin si geof and co. nang nde kami nagtetextan kung nasan sila exactly. wala lang.
pero kapagod talaga, pagkatapos pa puno lahat ng kainan. humiwalay na kami sa kanila kasi di pa kami kumakain. kumain kami sa super bowl, at dahil nalipasan ako ng gutom (naks, bihira mangyari 'to pramis) tapos kumain ng madame, grabe sakit ng tyan ko after. kelangan pa namin maglakad papuntang heritage para makasakay ng bus.sila geof, nag baywalk pa.
ano ba nangyari ng 2006.. ewan.
masaya naman eh. masaya talaga :)
alam ko lang, umpisa na ng sem na 'to. hehehe.. at kelangan ko na mag-gym. takte.
ay, may sore throat pala si reggy. tsk. sinolo kasi yung chocolate ref cake na binigay ko. gahaman kase.
ay, gagawa pala ako ng wish list. wish na gawin, magkaroon, puntahan. tas strike ko yung mga natupad na. hehehe.. wala lang, parang wish list ng buhay ko. :DMonday, January 08, 2007 at 11:01 PM
Anonymous said...
oi, hindi ako nagsolo sa cake!! tsaka sa dami ng ininom ko na malamig na tubig kaya ayun...
6:26 PM