hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
bye bye
So kahapon umalis si Reggy :(
As in gulatan, mga 2:30 siya tinawagan tapos 6:20 flight niya. Kala nga nung una nde na aabot, pero buti na lang mga before 5 nasa airport na kami. At buti na lang nakapack na talaga siya. Then mga 11 nag-ym na kami. Nasa Changi airport (singapore) na siya at nag-a-iced tea. High end! hehehe. Nag hotel din muna siya dun kasi 9am pa kanina yung flight niya papuntang Perth.
ang weird lang. kasi ba naman for 4 months halos araw-araw kami nagkikita. Tuwing break ko nasa kanila ako or lalabas kami. Tapos kanina, nakatambay lang ako sa WCEL. wahehehe, maninibago mga tao sa akin kasi lagi na talaga nila ako makikita.
Dami ko pala exam kaya ako nag-overnight dito. Hindi kasi ako makapag-aral sa bahay eh. Tsk. Laging nanonood ng Maging Sino Ka Man. Papakwento na lang ako kay Jean bukas. Hehehe.
Hay, sana December na. Kasi dun pa lang siya makakabalik eh. :(Wednesday, January 24, 2007 at 9:23 PM