hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
smokers
astig! Tapos na smokers. At 3rd pa kame. Hindi ko na talaga inasahan kasi nga, nde na namin pinerform yung special task whih is 10%. Kung naperform lang yon, tsk. Sobrang bad trip na kasi ako nung moment na tinatanong sa akin kung magpeperform pa kami kahit na overtime.. Kasi, 1 minute halos nagrun clock namin, eh di pa nagstart talaga yung presentation. Hindi kasi nagkakarinigan dun sa lugar ng mga magsasalita dahil may mga taong naka-itim na nasa prohibited area. Err, ok lang naman sumigaw, sana lang nasa tamang lugar.
Kaya di ko rin talaga napigilan mapaluha after. Parang pagod kasi ako, tapos yung task pa yung hini naisama. Parang ako yung sisihhin kasi nde ko nacalculate yung time ng mabuti. Pero nabawi talaga yun nung nag 3rd kami. Super saya. :) Basta makita ko masaya yung ERG, nawawala yung pagod at inis. Salamat sa lahat! Kilala niyo na kugn sino kayo.
And marami din akong nakitang org na malungkot, umiiyak pa yung isa, at nagrereklamo yung iba. Oo, siguro nakakaaliw yung presentations ng iba, matinding pangookray. Pero we should consider the criteria. 30% yung relevance sa issues... And that makes some presentation quite boring. Pero sa dulo diba, who got the last laugh? (aggre, hehehe) Mas ok na nga yung ganitong smokers, may sense. Kesa magmurahan lang tayo ng magmurahan.
Pero yun, grabe na pagod ko. Kanina, bago magpresent erg, feeling ko talaga magcocollapse na ako eh. Hehehe. Inisip ko lang walang magbubuhat sa akin. Late na kasi ako nakakatulog lagi tapos ang babaw pa ng tulog ko. Late ako natutulog kasi gumagawa pa kao ng chocolates. Hehehe, businesswoman ako ngayong pasko eh. Mahirap ang buhay, kelangan ng extra income. Pero hindi naman talaga para sa akin yun. Ako lang nagstart kasi yung nanay ko walang tiwala sa negosyo. Ayun, medyo naipapakita ko na, mas ok na my per kang umiikot kesa bigla na lang nawawala.
Kelangan na mag-ipon ng lakas. Lahat ng games ko next week kelangan ng super strength.Friday, December 08, 2006 at 2:23 AM