hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
chill
Nakaka-ewan pero "sinugod" ako sa hospital kagabi. Sinugod kasi literal talaga na biglaan. Naospital na ako nung bata pero hindi yung basta-basta lang. Nung tumagal na ata lagnat, saka lang nagpack at pumunta sa St. Luke's. So parang planado yun diba? Eh kagabi talaga, hinde!
Pumunta kami sa SM Fairview ni Reggy kasi may kukunin siyang padala. Then nung paglabas na namin, medyo giniginaw na ako. Nung nasa kotse, hindi ko na pina-on yung aircon kasi super ginaw na. Nung una, parang nasa isang super maginaw na room lang ako na walang jacket. Tapos maya-maya, nagtretremble na yung katawan ko. Tinanong na niya ako kung punta na ako sa ospital, ako naman ayoko talaga. Parang "outrageous" na idea na magpaospital kasi di naman talaga ako sakitin. Pero nung sumasakit na yung mga litid ko dahil sa panginginig, at hindi ko talaga mcontrol, pinatawagan ko na nanay ko. Halos hindi na ako makasalita sa panginginig. Nakakatkot talaga kasi never pa talaga nangyari yun sa akin or nakita ko mga kapatid ko na nagkaganun. Buti na lang sinasabi ni Reggy na nagkaganun na siya nung nagka-viral infection siya last year.
Eh di sa may FEU fairview kami dumertso imbes sa bahay. Gosh, sa emergency room pa talaga. Halos di na nga ako makalakad tas parang walang may gustong tumulong sa akin. Pinagtatanong pa ako dun sa desk ah! Mga walang kwenta talaga. Tapos nung nakahiga na ako, tuloy tuloy pa rin yung tanong. Isang manipis na kumot lang binigay sa kin tapos tanong na naman, mga medical history etc. Tinanong pa kung kelan pa daw ako nanginginig, sabi ko "ngayon-ngayon lang. nasa sm fairview parking lot kami nung nagstart, tapos deretso na dito." Aba, eh tinanong ba naman ako kung mga ilang minutes na ba daw yun at anong oras ba ako dumating dun. Leche diba!? Kapag pasyente ka ba ikaw magtetake note kung kelan ka dumating sa emergency room. Putakte talaga. Ang bulok ng systema sa FEU. Sinabihan ko na nga yung nurse na "wala ba kayong ipapainom sa akin? nahihirapan na ako manginig." Pero wala pa ring pinainom sa akin. Bale tinapatan lang nila ako nung ilaw na mainit. Hehehe, parang baby sa incubator.
Tapos yun, kinuhanan ako ng dugo at nagpaka-OA ako kase nde ko na maalala kung anong feeling nun. Ineexpect ko masakit talaga. Kaya naman nagpupumiglas pa ako. Hahaha. After 1 hour yata saka pa lang ako uminom ng paracetamol. At pagkatapos ng mga 3 oras na paghiga sa emergncy eh pinagpawisan na ako ng todo at parang wala nang nangyari. Nung medyo ok na nga ako, naririnig ko na yung ibang mga ingay sa emergency room eh. Nakakatakot na nakakadire. Kasi naman, may mga sumusuka, eh pano kung nakakahawa yung mga sakit nung nasa kabilang kama lang at clothe divider lang pagitan namen? Pero buti na lang din at ok na, wala namang nakitang mali sa blood at urine. Sabi nung doctor, baka daw stress lang yun.
Salamat nga pala kay Reggy na nagdala sa akin at nandun din siya hanggang sa makalabas ako. :) Nagbayad din kami sa ilang test na hindi naman dapat kasi may medcard ako. Aba, eh malay ko ba sa mga ganun. Dapat pala kapag matanda na inaalam na yung mga ganung bagay. Sa nanay at tatay ko na syempre andun din. Sa tita ko at kapatid kong naghatid ng jacket at pajama pero ang dahilan lang ng kapatid ko ata ng pagsama eh para magstarbucks. Ayun, kakaibang experience. Hehehe..
Ewan, nakakastress nga ata mga aatupagin ko sa linggong ito. Pero kelangan kong magpagaling :) Para sa Friday, tuloy na tuloy na sa Changi. Hehehe...Tuesday, June 05, 2007 at 7:23 PM