hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
A Love Story
Maganda. Syempre, naiyak ako. Hehehe..Mababaw lang naman ako eh.
Ang dami nga lang kissing scenes! Aga at Maricel tapos Aga at Angelica. Kung hindi kissing scene, iyakan. Hanep. Medyo daring nga dun si maricel, tsaka parang weird na may kissing scene sila ni Aga. Pero astig yung twist ng story. Kung gusto niyo worth yung panonood niyo sa sine, wag kayo magpapakwento at manood na kayo kagad!
Mga nagustuhan kong linya:
"Hindi mo siya kelangan, kelangan ko siya!"
"Ayoko nang maging pampuno lang sa mga kulang.."
"Mahal mo pa ba ako?" "Sobra. Kahit alam kong hindi na dapat"
"where are you when i need you? this is not working"
ang dami pa! hindi ko namemorize. bibili ako DVD. hahaha!
hahaha! Masayang manood ng tagalog movie. Ngayon na lang ulet. Kasama ko sina Monde at Lyand. Dati kasi ayaw ng kasama ko manood ng tagalog movies..hehe. Geof, kung andito ka, kasama ka rin namen!Thursday, August 16, 2007 at 11:15 PM