hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
nakaka-ubos ng lakas
alam niyo yung feeling na napapatulala ka na lang dahil hindi mo na kayang magreact. at minsan may mga kausap ka pang parang hinihigop yung lakas mo (hindi siguro lahat makakagets niyan, hehe).
anyway, ngarag days na talaga. nakasalubong ko pa si Ma'am Joy kahapon at sakto, nasamid o basta napaubo ako. tas parang sabi niya, "naku, lagot ka, bawal magkasakit." Naisip ko talaga nahindi pwedeng magkasakit, lalo na sa susunod na 3 linggo. Wag lang sana ako aatakihin ng chills at sobrang sakit ng ulo. Kasi kapag ganun hindi ako makakagawa talaga. Pero kasi naman, tuloy-tuloy na puyat, tapos hindi pa malalim yung tulog kasi nga nasa lab. Iba pa rin talaga yung tulog kapag nasa sariling kama :)
Shet, 3 weeks na lang. 3 weeks na lang nagblog pa ako..hehe. Sobrang fed up na ako makita yung boards namen, yung VNA (vector network analyzer) at magisip kung ano pang mali. Mula tuesday overnight na ako. at malamang hanggang saturday pa. Daig ko pa nagmemenopause so sobrang pagkairitado. Hehe, sorry sa mga natarayan.
ayoko naaaaaaaaaaaaa!!! gusto ko na lang matulog, manood ng tv habang naka-cuddle sa mga unan, kumain ng luto ng nanay ko = kumain ng libre :), magsaya, mag-mall, magparty, uminom! oops! alcoholic na ko. kasalanan ni meiling. hehe. at gusto ko na makasama si Reggy. Kung may pera lang ako, tsk. Sino gusto magpautang? Hehehe.
So ngayon, either gagawa na ako ng 115 board namen o matutulog. Ano sa tingin niyo?Friday, September 07, 2007 at 12:46 AM